HATOL KAY ALICE GUO BABALA SA LAHAT NG SINDIKATO

UMAASA ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsilbing aral sa lahat ng sindikato, lokal man o dayuhan, ang habambuhay na pagkakakulong kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kahapon, hinatulan ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 si Guo at pito pang iba sa kasong human trafficking na kaugnay ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac. Bukod sa reclusion perpetua, pinagbabayad din sina Guo at tatlo pang akusado ng tig-P2 million multa at kinumpiska ang buong Baofu compound na ginamit sa POGO operations.

Ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante, “This conviction sends a clear message: those who profit from the exploitation of human beings will be held accountable.” Ani Abante, matagal nang nag-operate ang mga ilegal na POGO hubs na parang shadow syndicates—trafficking workers, paglabag sa karapatang pantao, at pang-aabuso sa batas, na naglagay din sa panganib sa seguridad ng bansa.

Samantala, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima, bagama’t nakamit na ang hustisya para sa mga biktima, hindi dapat tumigil ang gobyerno hangga’t tuluyang hindi napuputol ang operasyon ng POGO. Umapela rin siya sa Kamara na ipasa agad ang Anti-Espionage Act dahil posibleng may kinalaman si Guo sa espiya laban sa bansa.

“Espionage today comes disguised as business investments, online gaming hubs, recruitment agencies, students, telecom partnerships, and even public officials,” ani De Lima.

(BERNARD TAGUINOD)

39

Related posts

Leave a Comment