SIERRA MADRE

HOPE ni GUILLER VALENCIA

ANG Sierra Madre ay laging nababanggit sa news at ng mga tao sa nakaraang mga bagyo kabilang ang Typhoon Uwan. Ito ang longest mountain range sa Philippines na may habang 500 kilometro from Cagayan Valley hanggang Quezon. Tinagurian ding Shield of the Cagayan Valley ang Sierra Madre.

Malaki ang ginampanan ng bundok na ito sa nakaraang Typhoon Uwan. Ang bundok na ito ay lubos na pinapupurihan dahil naging kalasag sa mabangis na hangin at ulan. At ito rin ay naging matibay na kalasag sa mga bagyo noon at ngayon. Ito rin ang nagiging sanctuario ng mga rebeldeng Pinoy.

Walang masama sa paghanga at kilalanin na ang bundok na ito ang naging kalasag at tumulong nang malaki sa mga tao upang hindi bahain at masalanta ng mga bagyong dumarating. For them it was their great shield and strong helper.

Naalala ko tuloy ang sabi ni Haring David, “I lift up my eyes to the mountains—where does my help come from? My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth” (Psalms 121:1-2).

Tama si Haring David, ang tulong niya ay nagmumula sa lumikha ng langit at lupa. ‘Di ba dapat tayong magpasalamat sa ating Panginoong Diyos na buhay na nakakaalam ng lahat ng bagay at pangangailangan natin.

When God made promises, his promises is true and it will happen when he declared, “Call upon in the days of trouble, I will deliver you and you will honor me” (Psalms 50:15).

Totoo na malaki ang naitulong ng Sierra Madre, may bagyo man o wala sapagkat ito’y pinagmumulan din ng pagkain. Subalit ito’y may hangganan lalo pa nga na maraming illegal logging at quarrying ang ginagawa rito. Kaya’t bantayan natin at pangalagaan ang bundok ng Sierra Madre at humingi ng tulong sa ating Panginoong Diyos na ingatan ng mga tao ang kanyang nilikha at tumingin or lift our eyes to our Lord God, Maker of heaven and earth! (giv777@myyahoo.com)

56

Related posts

Leave a Comment