SA gitna ng mga naglalakihang pader ng makasaysayang Intramuros, muling narinig ang mga dasal at awitin noong nakaraang Linggo, ika-7 ng Disyembre. Sa ilalim ng temang “Mary: Our Guiding Star, Lighting the Path of Hope,” idinaos ang 44th Grand Marian Procession (GMP)—isang tradisyong higit pa sa pagpapakitang-gilas dahil ito ay isang pambansang pagtitipon ng mga puso. Dagat ng Debosyon sa Plaza Roma Bandang hapon, ang paligid ng Manila Cathedral at Plaza Roma ay naging sentro ng pagdiriwang. Higit sa 100 mga imahe ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang sulok…
Read MoreDay: December 10, 2025
DRUG LABORATORY SINALAKAY NG PDEA
ISANG drug laboratory ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at bulto-bulto ng hinihinalang droga ang nasamsam sa lalawigan ng Rizal noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, armado ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA Rizal Provincial Office, PNP Provincial Intelligence Team Rizal, Binangonan Municipal Police Station, at Rizal Police Provincial Office, ang nadiskubreng drug laboratory. Nasamsam sa inilunsad na anti-illegal drugs…
Read MoreTRUCK NAWALAN NG PRENO, 8 SUGATAN
QUEZON – Walo katao ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang truck, inararo ang kasalubong na motorsiklo at nahulog sa bangin sa Diversion Road, Brgy. Malinao Ilaya, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Lunes. Ayon sa pulisya, paahon ang motorsiklo na sakay ang mag-asawa at kanilang 4-anyos na anak, habang palusong naman ang truck na nagkaroon umano ng mekanikal na aberya. Tumalon palabas ng sasakyan ang driver at apat na sakay ng truck bago ito tuluyang nawalan ng kontrol at bumangga sa motorsiklo. Agad isinugod sa Doña Marta…
Read MoreIMPORMASYON SA PAGPATAY SA MAG-AMA, HILING NG BATANGAS POLICE
BATANGAS – Nanawagan ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa publiko na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maresolba ang pamamaril na kumitil sa buhay ng mag-ama sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Hinimok ni Batangas Police Provincial Director PCol. Geovanny Emerick Sibalo ang publiko na magbahagi ng anomang impormasyon sa BPPO o direkta sa Nasugbu Police Station, at tiniyak na mananatiling confidential ang lahat ng ibibigay na detalye upang agarang makamit ang hustisya para sa mga biktima. Ayon sa ulat, sakay ang mga…
Read MoreSa kanselasyon ng pagbili ng Mi-17 helicopters sa Russia ‘PAMUMUWERSA’ NG US KAY BBM ITINANGGI NG AFP
NAGBABALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko hinggil sa mali at malisyosong pahayag hinggil sa pinalilitaw na pamumuwersa umano ng United States of America kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ibasura ang kontrata ng defense department sa Russia. Sa ipinalabas na mensahe kahapon ng AFP, binalaan nito ang publiko na huwag paniwalaan ang FALSE claims na inihayag ng ilang indibidwal na ipinaskil sa Asian Century PH, na nagsasabing pinuwersa ng U.S. si Pangulong Marcos para kanselahin ang pagbili ng Mi-17 helicopters mula sa Russia.…
Read MoreDOJ RULING ‘FLAWED AND UNFAIR’ — ATONG ANG COUNSEL
BINATIKOS ng kampo ni Charlie “Atong” Ang ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan siya ng kaso kaugnay ng umano’y pagkawala ng ilang sabungero. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang resolusyon ng DOJ ay “malubhang depektibo at lubhang hindi makatarungan”, puno ng factual gaps at malalaking inconsistency, at may malinaw na bias. Nakabase lamang umano ito sa “sira at kwestiyonableng testimonya” ng isang saksi na aniya’y “wala nang kredibilidad.” Posible umano silang maghain ng motion for reconsideration para ipa-reverse ang desisyon. “It is unfortunate that the DOJ has…
Read MoreANTI-DYNASTY AT PARTY-LIST OVERHAUL NA ITINULAK NI PBBM SUPORTADO NI GOITIA
IPINAKITA ni Pangulong Bongbong Marcos na mas inuuna niya ang bayan kaysa pulitika matapos hingin sa Kongreso na unahin ang malalaking reporma na matagal nang hinihingi ng publiko. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang panawagan ng Pangulo ay sentro sa apat na isinusulong na reporma: anti-dynasty bill, pag-aayos sa party-list system, pagbuo ng Independent People’s Commission, at mas malinaw na access sa gastos ng gobyerno. “Ang pagpaprayoridad sa mga repormang ito ay paanyaya sa publiko na maniwala muli. Ipinapakita nitong handa ang Pangulo na ayusin ang matagal…
Read MoreTIEZA Reinforces the Legacy of Club Intramuros Golf Course as a Premier Sports Tourism and Heritage Landmark
The Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) proudly underscores its commitment to cultural preservation, sports tourism, and sustainable tourism development through its continued stewardship of the Club Intramuros Golf Course (CIGC)—one of the Philippines’ most historically significant recreational sites and a distinctive gem in the country’s golf tourism landscape. Strategically located within the storied walls of Intramuros, the Club Intramuros Golf Course offers a rare combination of athletic pursuit and heritage immersion. Established in 1906 during the early American colonial period, the course is not simply a leisure amenity…
Read MoreBAWAS-SINGIL SA KURYENTE, INANUNSYO NG MERALCO NGAYONG KAPASKUHAN
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre. Para sa buwan na ito, bumaba ng P0.3557 kada kWh ang singil sa kuryente dahil sa mas mababang transmission at generation charges. Nasa P13.1145 kada kWh ang kabuuang singil para sa isang karaniwang pamilya. “Para sa mga pamilyang may karaniwang konsumo na 200 kWh kada buwan, mapapakinabangan nila ang humigit-kumulang P71 na tapyas sa kanilang kabuuang bill sa kuryente ngayong buwan,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. “Ngayong nalalapit na ang Pasko,…
Read More