BAWAS-SINGIL SA KURYENTE, INANUNSYO NG MERALCO NGAYONG KAPASKUHAN

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre. Para sa buwan na ito, bumaba ng P0.3557 kada kWh ang singil sa kuryente dahil sa mas mababang transmission at generation charges. Nasa P13.1145 kada kWh ang kabuuang singil para sa isang karaniwang pamilya.

“Para sa mga pamilyang may karaniwang konsumo na 200 kWh kada buwan, mapapakinabangan nila ang humigit-kumulang P71 na tapyas sa kanilang kabuuang bill sa kuryente ngayong buwan,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. “Ngayong nalalapit na ang Pasko, umaasa kami na makatutulong ang bawas-singil na ito sa aming mga customer.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga customer ang website ng Meralco (www.meralco.com.ph) o ang mga social media accounts nito sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X (@meralco).

121

Related posts

Leave a Comment