NAGBABALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko hinggil sa mali at malisyosong pahayag hinggil sa pinalilitaw na pamumuwersa umano ng United States of America kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ibasura ang kontrata ng defense department sa Russia.
Sa ipinalabas na mensahe kahapon ng AFP, binalaan nito ang publiko na huwag paniwalaan ang FALSE claims na inihayag ng ilang indibidwal na ipinaskil sa Asian Century PH, na nagsasabing pinuwersa ng U.S. si Pangulong Marcos para kanselahin ang pagbili ng Mi-17 helicopters mula sa Russia.
Paglilinaw ng AFP: “The Mi-17 acquisition project was cancelled during the administration of former President Rodrigo Roa Duterte through a letter of termination signed by former Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana.”
Sinasabing ang kanselasyon ng bilihan ay bunsod ng umiiral na security and geopolitical developments, partikular sa nagaganap na hidwaan sa Ukraine na nagsimula noong Pebrero 24, 2022.
Bukod pa rito ang international sanctions na ipinataw sa Russia. Ang mga nasabing kaganapan umano ang nagtulak upang huwag nang ituloy ang bilihan at mapigil ang implementasyon ng nasabing planong acquisition para sa Mi-17 choppers.
“The decision was guided by practical and security considerations,” paglilinaw pa ng Hukbong Sandatahan.
“The AFP strongly encourages the public to rely solely on verified government sources for accurate and responsible information on defense and security matters. We remain firmly committed to transparency, truth, and the proactive countering of disinformation that may mislead the public or undermine confidence in our institutions.”
(JESSE RUIZ)
70
