UMAKYAT na sa anim ang sinasabing kumpirmadong nasawi sa pag-collapse ng Binaliw Sanitary Landfill sa Cebu City matapos na may dalawang nahukay mula sa guho nitong Linggo ng umaga. Nasa 31 naman ang iniulat na nawawala pa matapos na matabunan ang humigit-kumulang sa 50 sanitation workers noong Enero 8, 2026, na ikinasugat din ng 12 katao, pito ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Visayas Medical Center, habang lima naman sa NorthGen Hospital. Ayon sa ulat, na-recover ng rescue teams ang bangkay ng dalawang babae bandang ala-una ng madaling araw at…
Read MoreDay: January 11, 2026
LINIS-ILOG SA OPEN CANAL NG GENTRI KASADO SA ARAW NG MGA PUSO
Sa pagpasok ng taong 2026, agad na pinagtibay ng Akbay Kalikasan Environmental Society Management Inc. (AKESMI) ang isang makakalikasang selebrasyon ng Araw ng mga Puso sa Barangay Pascam II, General Trias, Cavite. Pinangunahan nina AKESMI Chairman/President Prof. Julio Castillo at EVP Alvin Fidelson ang pakikipagpulong kay Barangay Captain Jowie Sinsay Carampot upang plantsahin ang mga detalye ng proyektong pangkalikasan na isasagawa sa Pebrero 7 at 14. Sa halip na karaniwang Valentine’s celebration, layon ng aktibidad na bigyang-diin ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibig—ang pagmamahal sa kalikasan at sa komunidad.…
Read MoreHALOS 2K PAMILYANG DUMAGAT SA BULACAN TUMANGGAP NG ‘PAMASKONG HANDOG’
NASA 1,939 pamilya na mga ‘Kabalat’ o Dumagat ang tumanggap ng food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ sa bayan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray noong Biyernes. Mismong sina Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang nanguna sa pamamahagi nito sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Rowena Tiongson. Unang dinalaw nina Fernando at Castro ang mga Dumagat sa Barangay Kalawakan at Camachin sa DRT bandang umaga at sa hapon naman ay isinunod…
Read MorePAGKUMPISKA SA LUXURY CARS NI ZALDY CO DUMAAN SA LEGAL NA PROSESO
ITO ang naging sagot ng pamunuan ng Philippine National Police sa ginawang implementasyon sa pagkumpiska sa mga mamahaling sasakyan ni dating Congressman Zaldy Co na nauugnay sa multi-billion infrastructure at flood control project scandal. Ayon kay Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng isang legal na kautusan na mula sa mga awtoridad na siyang sinunod at tinugunan lamang ng pambansang pulis. “The operation was in compliance with an order from proper authorities. We want to assure the public that all actions of the…
Read MoreCHINESE NASABAT NG QCPD SA PEKENG DRIVER’S LICENSE
ARESTADO ang isang 60-anyos na Chinese national matapos mahuling gumagamit ng pekeng driver’s license habang bumibisita sa isang detenido sa pasilidad ng Quezon City Police District (QCPD). Kinilala ni PLTCOL Edison Ouano, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang suspek na si alyas “Lu,” residente ng Makati City. Ayon sa QCPD, sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio, naganap ang insidente noong Enero 6, 2026 nang bumisita ang suspek sa CIDU Custodial Facility. Ipinakita nito ang driver’s license sa duty jailer, subalit napansin…
Read More3 DRUG PERSONALITIES ARESTADO, P114-M DROGA NASAMSAM
TATLONG hinihinalang bigtime drug personalities ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang illegal drug interdiction operation sa NAIA Complex, Pasay City. Ito’y matapos na makumpiskahan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tatlo katao ng multi-milyong halaga ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar. Sa ibinahaging report ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nasa 16,848 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P114,566,400.00 ang nasabat ng kanilang mga tauhan, katuwang…
Read MoreDE LIMA KAY SOTTO: KASO NI BATO KAIBA SA AMIN NI TRILLANES
HINDI pinalagpas ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pagkukumpara ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanya at kay dating Sen. Antonio Trillanes IV para hindi disiplinahin si Sen. Ronald Dela Rosa. “With due respect, SP Sotto should not compare me or Sen. Trillanes with Sen. Bato’s situation,” ani De Lima kahapon matapos sabihin ni Sotto na may mga tulad ni Dela Rosa sa nakaraan ang hindi pumapasok subalit gumagana ang kanilang tanggapan. Mula noong November 2025 nang isiwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla…
Read MoreIMPEACHMENT NAKAUMANG VS MARCOS JR., VP SARA?
HINDI lamang si Vice President Sara Duterte ang posibleng sampahan ng impeachment case sa susunod na buwan kundi maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice. Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Erice na magiging “exciting” umano ang mga kaganapan sa Mababang Kapulungan pagsapit ng Pebrero. “Mukhang exciting ang House sa Pebrero dahil palagay ko hindi lang impeachment case ng Vice President ang maririnig natin. May mga kongresista ring magfa-file ng impeachment laban kay PBBM, kaya dalawang impeachment case ang aabangan natin,” ani Erice.…
Read MoreSa pagiging ‘inutil’ sa pagpapabuti ng pangisdaan P1.2-B MANILA BAY REHAB FUND NG DENR PINALAGAN
KINUWESTYON ng militanteng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang P1.2 bilyong pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Manila Bay rehabilitation program, sa kabiguang mapabuti ang kalagayan ng pangisdaan. Ayon sa PAMALAKAYA, nakatanggap ang DENR ng P1.2 bilyon sa 2026 budget para sa Operational Plan ng Manila Bay Coastal Strategy na bahagi ng kautusan ng Korte Suprema noong 2008 para sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Giit ng grupo, mula nang ilunsad ang rehabilitation program noong 2019, walang naramdamang makabuluhang…
Read More