LINIS-ILOG SA OPEN CANAL NG GENTRI KASADO SA ARAW NG MGA PUSO

Sa pagpasok ng taong 2026, agad na pinagtibay ng Akbay Kalikasan Environmental Society Management Inc. (AKESMI) ang isang makakalikasang selebrasyon ng Araw ng mga Puso sa Barangay Pascam II, General Trias, Cavite.

Pinangunahan nina AKESMI Chairman/President Prof. Julio Castillo at EVP Alvin Fidelson ang pakikipagpulong kay Barangay Captain Jowie Sinsay Carampot upang plantsahin ang mga detalye ng proyektong pangkalikasan na isasagawa sa Pebrero 7 at 14.

Sa halip na karaniwang Valentine’s celebration, layon ng aktibidad na bigyang-diin ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibig—ang pagmamahal sa kalikasan at sa komunidad.

Sa ilalim ng temang “Pusong Kalikasan ni Konsi Kap sa Pasong Camachile 2,” isasagawa ang programang “Linis Ilog sa Open Canal,” na nakatuon sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig bilang konkretong ambag sa pangangalaga ng kapaligiran.

Hinihikayat ng AKESMI at pamahalaang barangay ang mga residente na makiisa at maging aktibong kalahok sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.

Ayon kay Prof. Castillo, “Sama-sama nating ipakita na ang tunay na diwa ng Araw ng mga Puso ay ang pagmamahal na may malasakit—hindi lamang sa kapwa, kundi pati sa ating inang kalikasan.”

43

Related posts

Leave a Comment