GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MALAKAS ang suporta kay Alex Eala sa Australian Open. Kita ito sa dami ng taong dumagsa, sa ingay ng palakpakan, at sa damdaming may Pilipinang ipinaglalaban sa isang malaking entablado ng tennis. Walang masama roon. Sa katunayan, bihira itong mangyari. Pero ang tanong ay hindi kung tama bang sumuporta, kundi kung paano ito ginagawa. Bago pa man ang oras ng laro ni Eala, puno na ang Court 6 kung saan siya maglalaro. May nauna pang men’s singles match sina Mikael Ymer ng Sweden at…
Read MoreDay: January 21, 2026
‘PAG MAHIRAP ANG NAGNAKAW IPINABABALIK ANG NINAKAW
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko magets si Sen. Rodante Marcoleta na kumukuwestiyon sa restitution o ipinababalik sa mga inaakusahang nagnakaw sa kaban ng bayan ang kanilang ninakaw kapalit ng pagiging state witness. Noong baguhan ako sa media, ang unang assignment ko ay police beat, marami kaming istorya ukol sa petty crimes tulad ng pagnanakaw, snatching at pandurukot at kapag nahuli ang suspek ay ipinababalik ang kanilang ninakaw sa kanilang biktima. Kahit hindi pa umaakyat sa korte ang kaso ay nagkakaroon ng kasunduan ang biktima at suspek na kapag ibinalik…
Read MoreKARMA SA MGA MAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO KAHIT anong pagtatago o pagtanggi ng mga gumawa ng kasalanan tulad ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, kapag karma na ang kumilos ay hindi kayo makawawala. Magaling maghanap ng address ang karma, kahit saan man kayo magtago na gumawa ng kasalanan, lalo kapag maraming tao na ang inyong naperwisyo, hindi kayo patutulugin ng inyong konsensiya. Tulad halimbawa kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior, sa lakas niya ay tinagurian pa siyang “strongman” ngunit hindi niya akalain na mapatatalsik siya sa Palasyo ng Malakanyang. Ngayon tila mauulit…
Read MoreHONTIVEROS BINATO SA LAKBAYAW?
BISTADOR ni RUDY SIM ISA tayo sa mga nakiisa sa taunang pagdiriwang ng “Lakbayaw” sa fiesta ng Tondo sa Lungsod ng Maynila, upang makunan ng litrato ang mga dumalong deboto ng Sto. Niño at sa simpleng pitik ay nakapagbigay tayo ng ngiti sa mga ito. Maraming deboto ang sumama sa parada ng mga kabataan mula sa iba’t ibang grupo, maging ang mga estudyante at guro ng Catholic schools kagaya ng Holy Child Catholic School, dala ang kanilang mga imahe ng Santo. Bagama’t naging payapa at walang naiulat na nasaktan sa…
Read MoreKOMITE NI PING TIKLOP SA MAGPINSANG PBBM AT ROMUALDEZ?
HINDI naitago ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagkadismaya sa Senate Blue Ribbon committee dahil mistulang tumitiklop na umano ang mga ito kapag nababanggit ang pangalan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez. “Enough of the deception,” ani Duterte. Bukod aniya sa nilulunod na ngayon ang publiko sa half-baked impeachment case laban kay Marcos ay hindi pa rin ginagalaw ang mga nasa poder sa pag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects. “Why are Tambaloslos and Bangag Jr. permanently untouchable? Why does every investigation suddenly…
Read MorePANGALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM IHAHAIN NGAYONG HUWEBES
KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Kamara na ihahain nila ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, nakasentro sa betrayal of public trust ang ihahain nilang reklamo dahil hinayaan ni Marcos ang malawakang katiwalian sa flood control projects. Umaasa si Tinio na kabilang ang kanilang reklamo sa isasama ng liderato ng Kamara sa order of business pagbalik trabaho ng Kongreso sa Lunes, Enero 26. (BERNARD TAGUINOD) 43
Read MoreComplainant abogado ni FL Liza? IMPEACHMENT VS PBBM “LUTONG MACAU”
TINAWAG na “lutong Macau,” “drama series,” at “basura” ng ilang mambabatas ang kauna-unahang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, kapansin-pansin umano na ang naghain ng impeachment complaint na si Atty. Andre De Jesus ay abogado rin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa disbarment case laban kay dating Biliran Rep. Glen Chong. Sa kanyang social media post, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte at iginiit na tila may iisang “pattern” sa mga pangyayari. “Kita naman ta sa papeles. Kita…
Read More3 DAY NATIONAL DECONGESTIONS SUMMIT SINIMULAN NA
UMARANGKADA na sa Metro Manila ang ikalawang National Decongestion Summit sa pangunguna ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC, na binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon. Layon ng tatlong araw na aktibidad na gaganapin sa Manila Hotel mula January 21-23, para paigtingin ang mga hakbang para sa pagpapaluwag ng mga piitan sa bansa. Kabilang sa mga pangunahing tatalakayin sa summit ang pagsasama o unification ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology sa isang integrated correctional…
Read MoreREPEAT OFFENDER, TIMBOG SA BARIL
INIULAT ni Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) PCol. Randy Glenn Silvio ang matagumpay na pagkaaresto sa isang alias “Mark,” 42-taong gulang, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City, sa kasong illegal possession of firearms sa isinagawang anti-criminality operation ng Talipapa Police Station (PS 3), sa pangangasiwa ni PLt. Col. Von DV Alejandrino. Sinabi sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi noong Enero 18, 2026, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng PS 3, sa isang eskinita sa Barangay Tandang Sora, nang mapansin nila ang isang lalaki…
Read More