PANGALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM IHAHAIN NGAYONG HUWEBES

KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Kamara na ihahain nila ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes.

Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, nakasentro sa betrayal of public trust ang ihahain nilang reklamo dahil hinayaan ni Marcos ang malawakang katiwalian sa flood control projects.

Umaasa si Tinio na kabilang ang kanilang reklamo sa isasama ng liderato ng Kamara sa order of business pagbalik trabaho ng Kongreso sa Lunes, Enero 26.

(BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment