TINIYAK ng Malakanyang na walang sinoman—maliit man o malaking pangalan—ang makatatakas sa batas kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungeros. Ito ay kasunod ng pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng nagtatago na sa Cambodia o Thailand ang puganteng negosyanteng si Atong Ang. Ayon kay Remulla, ibinunyag ng whistleblower na si Julie Patidongan na may kakayahan umanong bumiyahe si Ang sa Cambodia gamit ang mga backdoor route upang makaiwas sa mga awtoridad. Sinabi ni PCO Undersecretary Claire Castro na matagal nang mino-monitor ng gobyerno ang kaso…
Read MoreDay: January 23, 2026
3 BI OFFICIALS SINIBAK SA ‘VITALY VIDEO SCANDAL’
KINUMPIRMA ng Malakanyang na tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang sinibak sa puwesto kaugnay ng pagre-record ng content ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nakadetine sa BI facility. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang mga video ay kinunan noong mga unang araw ng pagkakaaresto kay Vitaly. “Tatlo po ang natanggal na immigration officials at marami na-confiscate na cellphones,” ani Castro. Dagdag pa niya, paiigtingin pa ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot sa paglabag sa detention…
Read MoreSC SA 2025 BAR PASSERS: HUWAG MAGING KAMPANTE
NANAWAGAN si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen sa mga pumasa sa 2025 Bar Examinations na huwag maging kampante at magsikap na maging mas mahusay na lingkod-bayan upang matiyak ang pantay na akses sa hustisya, lalo na para sa mga nasa laylayan. Inihayag ito ni Leonen sa ginanap na General Assembly at Inauguration ng historical marker ng Bar Examinations Markers sa University of Makati. Binigyang-diin niya ang responsibilidad ng mga bagong abogado na maglingkod nang may integridad at malasakit sa publiko. Ibinahagi rin ni Leonen ang kanyang karanasan bilang…
Read MoreDOJ: HATOL SA 2 CPP-NPA MEMBERS, MATIBAY NA PANININDIGAN KONTRA TERORISMO
IPINAGMALAKI ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakapanalo ng estado matapos hatulan ng hukuman ang dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa kasong terrorism financing. Ayon sa DOJ, ang hatol ay ibinaba matapos ang buong paglilitis sa Regional Trial Court Branch 45 sa Tacloban City. Binigyang-diin ng kagawaran na nakabatay ang desisyon sa masusing imbestigasyon, kabilang ang pagkakarekober ng mahigit kalahating milyong pisong cash at resulta ng financial investigation ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ginamit bilang ebidensya sa korte. Ayon pa sa DOJ, pinatutunayan…
Read MoreSORSOGON ROADS, VERY GOOD KAY SEC. VINCE
KAMAKAILAN ay inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagpapatigil sa patingi-tinging pagkukumpuni ng mga kalsada. Sa halip, itutulak na raw ang isang comprehensive master plan katuwang ang mga Japanese consultant. Sa wakas, kinilala rin ng kagawaran ang matagal nang alam ng publiko: hindi sapat ang simpleng pagtapal ng aspalto para maresolba ang problema sa kalsada ng bansa. Hindi na bago ang solusyong ito dahil alam na ito noon pa, ngunit ngayon lamang muling binibigyang-diin. Inilahad ni Sec. Dizon ang plano sa pag-iinspeksyon sa…
Read MorePublic hearing ng NTC sa Data Transmission Industry Participants ng Konektadong Pinoy Act, lumarga na
MAGSASAGAWA ng public hearing ngayong araw (Biyernes, Enero 23) ang National Telecommunications Commission (NTC) tungkol sa panukalang memorandum circular na siyang magtatakda ng mga pamantayan, kwalipikasyon, pagpaparehistro, at proseso ng awtorisasyon para sa Data Transmission Industry Participants, alinsunod na rin sa Republic Act No. 12234 o ang Konektadong Pinoy Act. Inaasahang dadalo sa pagdinig ang mga pinuno at kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Economy, Planning, and Development, Anti-Red Tape Authority, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government, Department…
Read More