MAHIGIT ₱186 milyon na halaga ng marijuana plants, seedlings, at fruiting tops ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa serye ng eradication operations mula Enero 16 hanggang 21, 2026. Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, pinangunahan ng PDEA RO I ang operasyon katuwang ang iba’t ibang yunit ng PDEA, PNP, at lokal na pulisya. Isinagawa ang operasyon sa mga liblib at bulubunduking lugar sa hangganan ng Ilocos Sur at Benguet, kabilang ang Mt. Boa at Mt. Leteban. Ayon kay PDEA RO I Director Atty. Benjamin Gaspi, kabuuang…
Read MoreDay: January 24, 2026
APAT NA SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA LANAO DEL NORTE
LANAO DEL NORTE — Apat na tauhan ng Philippine Army ang nasawi matapos tambangan ng Dawlah Islamiyah–Maute Group (DI-MG) sa Munai, kahapon. Agad na naglunsad ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga umatras na terorista. Mariing kinondena ng Army ang insidente na tinawag nilang karumal-dumal at duwag na pag-atake. Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, pinaigting na ang operasyon katuwang ang PNP, LGUs, at partner communities upang tugisin ang natitirang mga miyembro ng DI-MG. “We mourn the loss of our four valiant troops… There…
Read MoreMANGINGISDA NASAGIP SA KARAGATAN NG BATAAN
MARIVELES, Bataan — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 35-anyos na mangingisda na namataan sa karagatang sakop ng Hornos Point, Mariveles. Nagpapatrulya umano patungong Bajo de Masinloc ang BRP Cape San Agustin nang makita ang mangingisda na humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagkaway at pulang bandila. Ayon sa PCG, nagkaroon ng problema ang bangka matapos makalas ang outrigger, dahilan upang hindi na ito umandar. Nagtamo rin ang biktima ng first-degree burn sa kanang hita matapos dumikit sa exhaust pipe ng makina. Agad siyang nabigyan ng paunang lunas…
Read MoreNAWAWALANG 17-ANYOS NA DALAGA SA LIPA, NATAGPUANG PATAY
LIPA CITY, Batangas — Patay na nang matagpuan ang isang 17-anyos na dalaga sa isang damuhan malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Sico, Lipa City nitong Huwebes, Enero 22. Ayon sa Lipa City Police, nadiskubre ang bangkay bandang alas-12 ng tanghali ng kapatid nitong si Manny at kaibigan habang pauwi mula sa paaralan. Nakilala agad ang biktimang si “Kris,” na iniulat na nawawala matapos magpaalam noong Enero 21 upang dumalo umano sa isang birthday party ngunit hindi na nakauwi. Wala umanong nakitang sugat o saksak sa katawan ng biktima. Patuloy…
Read MoreBABAE PUWERSAHANG ISINAKAY SA MOTORSIKLO, LALAKI ARESTADO
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Arestado ang isang 46-anyos na lalaki matapos umanong manutok ng baril at puwersahang isakay sa motorsiklo ang isang babae sa Barangay Cabuco, Trece Martires City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Guiller,” residente ng Sunshine Package 3, Brgy. Cabuco. Nahaharap siya sa kasong Grave Threats, Grave Coercion, at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng paggamit ng replica firearm. Batay sa ulat, nasa loob ng isang gadget store sa Sunshineville, Package 2 ang mga biktimang sina “Cecile,” 40, pump attendant, at “Marianne,” 32,…
Read MorePCG SUBSTATION COMMANDER, 7 TAUHAN SINIBAK SA PAGKAWALA NG DIVER BOAT
PANSAMANTALANG sinibak sa puwesto ang PCG Sta. Ana Substation commander at pitong tauhan kaugnay ng pagkawala ng MBCA Amejara na may sakay umanong 11 diver at 4 crew sa Davao Oriental. Isang tripulante lamang, si Christopher Bulig, ang nasagip. Ayon kay CGDSEM deputy commander Macy Gabion, ang mga inilipat na personnel ay ire-reassigned sa district headquarters habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. “As of today, the investigation is ongoing, and the Philippine Coast Guard, particularly CGDSEM, will not preempt the results. Our focus remains on search and rescue operations, as time is…
Read More72 CONTAINER VAN NG ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES, ILALABAS NA SA PANTALAN
PINAGHAHANDAAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang paglabas ng 72 container van na puno ng abandonadong balikbayan boxes upang maihatid sa mga pamilya ng OFWs. Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sisimulan ang proseso ngunit hindi pa agad matatanggap ang mga padala dahil daraan pa ito sa forwarders para sa maayos na distribusyon. Tiwala ang BOC na matatapos ang proseso sa loob ng ilang buwan, lalo’t tapos na ang peak season ng Kapaskuhan. (JESSE RUIZ) 39
Read MoreISKO, NAGHATID NG ₱117.5-M SUBSIDIYA SA PLM
PERSONAL na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno-Domagoso ang paghahatid ng ₱117.5 milyon subsidiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) nitong Enero 23. Ayon sa City Hall, bahagi ito ng agarang hakbang para patatagin ang pananalapi ng unibersidad at maiwasan ang pagkaantala ng operasyon. Saklaw ng pondo ang dalawang dating hindi nabayarang subsidy period mula pa sa nakaraang administrasyon. Gayunman, nananatili pang ₱223.75 milyon ang kabuuang hindi nababayarang subsidiya ng PLM, batay sa city finance office. “Bago ako naging mayor, ₱250 milyon ang subsidy. Itinaas natin sa ₱360 milyon. Binaba…
Read MoreETHICS COMPLAINT LABAN KAY SEN. JV EJERCITO, TINANGGAP NA NG OPISINA NI SP TITO SOTTO
PORMAL nang inihain ng abogadong si Eldrige Marvin B. Aceron ang ethics complaint laban kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Ethics and Privileges, dahil sa umano’y pagpapabaya sa sinumpaang tungkulin bilang mambabatas. Kinumpirma na natanggap ng opisina ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang reklamo noong Enero 22, 2026. Ugat ng reklamo ang hindi umano pag-aksyon ni Sen. JV sa ethics complaint laban kay dating Senate President Francis “Chiz” Escudero, na inihain pa noong Oktubre 2, 2025. Makalipas ang 110 araw, wala pa ring case…
Read More