CLICKBAIT ni JO BARLIZO DAPAT bang pagsamahin sa iisang kulungan ang mga pinagsususpetsahang nagsabwatan sa malawakang nakawan? Kung diretsong titingnan, mukhang simple ang sagot na oo. Nakulong na sila, pare-pareho ang kaso, pare-pareho ang destinasyon kaya bakit pa paghihiwalayin? Pero kapag sinuri nang mas malalim, dito na pumapasok ang mas mabigat na tanong kung nakatutulong ba ito sa hustisya, o nakasasama? Dahil kung tutuusin, hindi ba’t mas delikado pa nga kung pagsasamahin mo sa iisang pasilidad ang mga taong pinaghihinalaang nagplano, nagpatupad, at nakinabang sa iisang malaking nakawan? Sa loob…
Read MoreDay: January 25, 2026
BUHAY NG MGA BATA PRAYORIDAD NI YORME ISKO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAILANGANG-KAILANGAN nang itaguyod o i-promote ang lokal na turismo sa ating bansa. Imbes na magpunta sa Singapore, China, Hong Kong, Japan, Taiwan at iba pang bansa ay atin pong pakilusin at utusan, Mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang ating local tourism officials, na mas itaguyod ang lokal turismo sa bansa. At ipinawagan po natin, Pangulong Marcos, sa mga airline at shipping at transportation industry, gawing mas mura ang pamasahe at ang mga hotel at mga lugar pasyalan, ibaba ang gastos para maengganyo…
Read MorePITONG TAON NG BALITANG TOTOO
EDITORIAL SA paglipas ng pitong taon, ang pahayagang SAKSI Ngayon ay nananatiling matatag sa paninindigan nitong itaguyod ang katotohanan. Ang pitong taong sakripisyo, pagsisikap at buong-pusong pagbibigay ng impormasyon, kaalaman at paghahatid ng balitang may saysay at katotohanan ay lalo pang nagpatatag sa aming pagsisikap na handugan kayo ng espasyong inyong kalulugdan. Hindi biro ang tahakin ang landas ng pamamahayag sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon, ngunit dahil sa inyong tiwala, nananatili kaming nakatayo. Ang anibersaryong ito ay hindi lamang pagdiriwang ng aming pagkakatatag, kundi isang patunay na…
Read MoreIMPEACHMENT COMPLAINT VS BBM ‘DI APEKTADO SA KASO NI VP SARA
HINDI apektado ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa nakabinbing kaso ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema. Ito ang nabatid sa abogadong si Bicol Saro Rep. Terry Ridon dahil magkaiba aniyang paraan ng pagpapa-impeach sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa. Ayon sa mambabatas, dalawang ruta ang pinagdadaanan ng impeachment case kung saan ang una ay sa House committee on justice habang ang pangalawa ay ang tinatawag na immediate transmittal sa Senado. Ipinaliwanag ng mambabatas na dahil hindi umabot sa 1/3 na miyembro ng…
Read MoreMALAKANYANG KAY IMEE: HUWAG KANG PLASTIK
PINATUTSADAHAN ng Malakanyang si Sen. Imee Marcos kaugnay ng mga pahayag nito sa pagkakasakit ng kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat gawing biro ang kalusugan ng Pangulo. “Huwag nating gawing biro ang kalusugan ng Pangulo. Huwag maging komedyante o payaso sa pagbibigay ng payo. Totoong puso at pagkalinga ang kailangan ng isang taong may pinagdaanang karamdaman,” ani Castro. Dagdag pa nito: “Huwag magpakaplastik sa mata ng nakararami.” Ang pahayag ni Castro ay tugon sa…
Read MoreHindi ubra ‘bawal epal’? DOH BINIRA SA P300-M MAIP NI SEN. BONG GO
UMANI ng batikos ang Department of Health (DOH) matapos lumutang ang mga dokumentong umano’y naglalantad na ang pinakamalaking alokasyon ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) sa panukalang 2026 National Budget ay napunta kay Senator Christopher “Bong” Go. Batay sa ulat, nag-leak umano ang mga dokumento mula sa tanggapan ni DOH Undersecretary Elmer Punzalan. Sa mga annex ng panukalang badyet ng DOH, nakasaad ang listahan ng MAIP allocations na iniuugnay sa ilang senador bilang bahagi umano ng budget amendments. Sa naturang listahan, si Sen. Go ang may pinakamalaking alokasyon na…
Read MoreMERIT-BASED SCHOLARSHIP SA SENIOR HIGH, TECH-VOC NILARGA NG MARCOS ADMIN
INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang bagong merit-based scholarship program na magbibigay-daan sa mga top-performing senior high school at technical-vocational graduates na makapagpatuloy ng mas mataas na edukasyon na nakahanay sa priority sectors ng bansa. Sa paglulunsad ng PBBM-Gabay ng Bayan Programs, sinabi ng Pangulo na tinutupad ng Bagong Pilipinas Merit-Based Scholarship Program (BPMSP) ang kanyang pangakong palawakin ang access sa quality education anuman ang background o lokasyon ng mga mag-aaral. Ang talumpati ng Pangulo ay idiniliber ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro…
Read More27 WANTED TIMBOG SA 24-ORAS WARRANT DAY SA QC
ARESTADO ang 27 wanted person, kabilang ang siyam na Top Most Wanted Persons (TMWP) at limang Most Wanted Persons (MWP), sa isinagawang 24-oras na Warrant Day operation ng Quezon City Police District (QCPD) noong Enero 23, 2026. Sa ulat ng QCPD sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, isinagawa ang serye ng operasyon ng iba’t ibang police units sa lungsod na nagresulta sa pagkakadakip ng mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest (WOA) sa iba’t ibang kaso. Ayon sa QCPD, nadakip ng District Mobile Force Battalion (DMFB), sa…
Read MoreKasunod ng tumaob na cargo vessel GUIDED-MISSILE FRIGATE NG PN GINAGALUGAD SCARBOROUGH SHOAL
ISINABAK ng Philippine Navy ang guided-missile frigate na BRP Jose Rizal (FF-150) upang tumulong sa search and rescue (SAR) operation para sa apat pang nawawalang Filipino crew ng MV Devon Bay, isang Singaporean-flagged cargo vessel na tumaob malapit sa Scarborough Shoal noong Enero 22. Naganap ang insidente humigit-kumulang 55 nautical miles hilagang-kanluran ng Bajo de Masinloc, Zambales. Lulan ng MV Devon Bay ang 21 Pilipinong tripulante. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Chinese Embassy in Manila, 15 crew ang nasa stable na kondisyon, dalawa ang kumpirmadong nasawi, habang apat pa ang…
Read More