Ping basag sa netizens SENS. BATO, BONG GO ‘DI KAWALAN SA SENADO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI pinalampas ng mga netizen ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson kamakalawa na malaking kawalan umano para sa Senado sakaling maaresto sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go kaugnay ng kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Kasunod ito ng pagtukoy ng ICC sa dalawang senador bilang “co-perpetrators” o kasabwat umano ni Duterte sa nangyaring pagpatay sa mga drug suspect. Dahil sa nasabing pahayag ay nakatikim ng batikos si Lacson. Kontra rin ang…

Read More

“KUMUSTA NA”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI PEBRERO. May isang araw ng mga puso. May komemorasyon din ng 1986 EDSA people power revolution. Maraming aktibidades dito sa huli. Martsa, asembleya ng protesta, prayer rallies, balik-tanaw, ilalabas muli ang news clippings at lumang litrato na pawang nakataas ang tikom na kamao kasama ang yellow ribbons. Makabayan ang damdamin ng lahat. Bumabaha ang sentimentalismo sa saliw ng awiting “Bayan Ko”. Ginugunita ang ilang araw na ipinamalas ng sambayanang Pilipino ang kanilang pagkakaisa sa matagumpay na pagpapatalsik sa diktadura ni G. Ferdinand Marcos,…

Read More

CHINESE NEW YEAR SA HARAP NG HIDWAAN SA PAGITAN NG CHINA AT ‘PINAS

RAPIDO ni PATRICK TULFO NGAYONG taon, higit sa anomang taong nagdaan, may kaakibat na tapang at pag-asa ang selebrasyon ng mga Pinoy ngayong Chinese New Year. Mainit man ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawan pa ring Kalayaan Group of Islands, nakagawian na ng mga Pinoy na gunitain ang Chinese New Year bilang pagkilala sa tinatawag na mga “Tsinoy” sa bansa o mga Filipino Chinese. Kapansin-pansin din ang matapang na paggunita ng ilang Pinoy ngayong Chinese New Year, kung saan ipinahayag ang paninindigan sa mga ginagawa…

Read More

GOV. HELEN TAN, KUMIKILOS AT ‘DI LAMANG NAGSASALITA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon na tila madalas inuuna ang pangako kaysa gawa, mahalagang kilalanin ang mga lider na tahimik ngunit tuloy-tuloy ang pagtugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Ganito mailalarawan ang pamumuno ni Quezon Gov. Helen Tan, isang lider na hindi lamang nagsasalita, kundi kumikilos. “We do respond to your calls, tumutugon po kami sa pangangailangan ninyo,” pahayag ni Gov. Tan. Ito ay hindi nananatiling linya sa talumpati, kundi nagiging konkretong proyekto sa mga paaralan at komunidad. Patunay nito ang sunod-sunod na proyektong pang-imprastraktura na direktang…

Read More

INA NG DATING LIVE-IN PARTNER INI-HOSTAGE NG LALAKI

CAVITE – Tumagal ng mahigit dalawang oras ang negosasyon bago tuluyang naaresto ng mga pulis ang isang lalaki makaraang i-hostage ang ina ng dati nitong live-in partner sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Noel”, ng Ciudad Nuevo, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, pwersahang pinasok ng suspek ang bahay ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. Malainen, Bago, Naic, Cavite bandang alas-9:00 ng gabi ngunit ang naabutan ay ang ina nito na si alyas “Myrna”, 71-anyos.…

Read More

NEGOSYANTENG NAWAWALA, NATAGPUANG NAKABAON SA SARILING COMPOUND

ANGELES CITY – Natagpuan na ng mga tauhan ng Angeles City Police at mga lokal na opisyal noong Martes ng hapon ang bangkay ng nawawalang negosyante na si Tess Mamac na naiulat na nawawala simula pa noong Pebrero 12, 2026. Ayon kay PCol. Joselito Villarosa Jr., hepe ng Angeles City Police Station, bandang alas-6:00 ng gabi noong Pebrero 16 nang magsagawa ng masusing search operation ang mga tauhan ng Police Station 4 kasama ang Angeles City Forensic Unit at mga lokal na opisyal. Sa loob ng residential compound ng biktima,…

Read More

NILIMAS NA DONASYON SA BATANGAS CHURCH, NAREKOBER SA CAVITE

NATUNTON sa Cavite ang isang lalaking kasabwat sa pagnanakaw sa isang simbahan sa Batangas at narekober ang iba’t ibang foreign currencies at mga donasyon makaraang ipagyabang nito ang dala niyang malaking halaga ng pera sa Gen. Trias City, Cavite noong Lunes ng umaga. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Roland”, 32, ng Brgy. Adela Heights, Gandara Samar at nakatakdang i-turn over sa Lian Municipal Police Station habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na si alyas “Toto”. Ayon sa ulat, pumasok ang suspek…

Read More

NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3, UMAKYAT SA 58

UMAKYAT na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lumubog MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan. Sa pinakahuling update, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na 293 naman ang bilang ng kabuuang survivors at mayroon pa ring 21 indibidwal na nanatiling nawawala. Binibigyang-diin ng PCG, ang mga bilang na ito ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa…

Read More

CBCP: ALALAHANIN ANG DIWA NG EDSA

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na “alalahanin, magsisi, at tumugon” bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ayon kay Gilbert Garcera, ang mapayapang rebolusyon na nagpatalsik sa diktadura ay nananatiling isang espiritwal at moral na hamon sa sambayanan. Hinikayat ng CBCP ang publiko na buhayin ang diwa ng EDSA sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalaysay ng kasaysayan nito at pagpapaalab ng tapang at pananagutan para sa kabutihang panlahat. Binigyang-diin din ng mga obispo ang pangangailangan ng pagsisisi sa mga…

Read More