CHINESE EMBASSY NAGPASALAMAT SA PH COAST GUARD

AGAD nagpaabot ng pasasalamat ang Embassy of China in Manila sa tulong na ipinagkaloob ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may sakit na Chinese na crew ng isang foreign vessel. Partikular na nagpahayag ng pasasalamat si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei. Nabatid na ang Chinese seafarer na sakay ng MV Mount Gilboa ay isinailalim sa medical evacuation (MEDEVAC) ng PCG sa karagatang sakop ng Basilan upang mabigyan ng agarang lunas. Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) hinggil sa kondisyon ng pasyente. Agad silang…

Read More

DISCERNMENT MAHALAGA SA 2028 POLLS – COMELEC

BINIGYANG-DIIN ng Commission on Elections ang kahalagahan ng “discernment” bilang paghahanda sa 2028 elections. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Commissioner Ernest Maceda na mahalagang matutong magsala ng impormasyon sa gitna ng pagdami ng fake news at AI-generated content. Ayon sa kanya, binuo ng Comelec ang Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (KKK) upang tutukan ang disinformation at makipag-ugnayan sa social media platforms. Tiniyak din ng poll body ang mas pinaigting na voter education para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao…

Read More

BATO DELA ROSA ‘SINAMPAL’ NG ETHICS COMPLAINT

SINAMPAHAN na ng ethics complaint ng isang civil society group si Senador Ronald Bato dela Rosa. Ang reklamo ay inihain ng ‘Wag Kang KuCorrupt’ sa pangunguna ni dating Finance Undersecretary Prof. Cielo Magno. May kinalaman ito sa patuloy na absences ni dela Rosa at hindi pagtupad sa kanyang official duties sa Senado na higit tatlong buwan na. Nakasaad sa reklamo na ang patuloy na hindi pagpasok ni Dela Rosa ay hindi lamang kapabayaan sa kanyang tungkulin kundi grave abuse sa pribilehiyo at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan bilang senador.…

Read More

MALAKANYANG SA 2028 BETS: BAKA HINDI QUALIFIED

PINAYUHAN ng Presidential Communications Office ang mga nagpahayag ng planong tumakbo sa 2028 presidential elections na mag-isip kung kwalipikado at handa silang mamuno. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat tanungin ng mga aspirante ang sarili kung makatutulong ba sila sa bayan o sariling interes ang uunahin. Inihayag ito matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na mahalaga ang lider na may malalim na pag-unawa sa ekonomiya, kayang lumikha ng trabaho, mapanatiling mababa ang inflation at matiyak ang…

Read More

BRGY. CHAIRMAN, PAMANGKIN PATAY SA AMBUSH; 2 PA SUGATAN

DEAD on the spot ang isang barangay chairman at ang pamangking babae nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan, na ikinasugat din ng misis ng opisyal, at isa pang lalaki na kasama sa convoy noong Martes ng gabi sa sa bahagi ng Calaba Bridge sa Bangued, Abra. Ayon sa inisyal na ulat, pasado alas-6:00 ng gabi nang tambangan at pagbabarilin sa bahagi ng Calaba Bridge, ang convoy nina Barangay Captain Ezequiel Parado, 35-anyos, ng Barangay Collago, Lagayan, Abra, na ikinasawi nito at ang kanyang pamangkin na si Arlene…

Read More

MAHIGIT P3-M SHABU, NASAMSAM SA 2 TULAK

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak na kabilang listahan ng high value individuals ng pulisya, at nasamsam ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 in Rel. to Sec 26B, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, ang naarestong mga suspek na sina alyas “Yolly”, 70, at “Arnie”, 29, kapwa residente ng Tramo, Talaba 1, Zone 7, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-5:01 ng…

Read More

IKA-40 ANIBERSARYO NG EDSA ‘GENERALLY MANAGEABLE’ – PNP

MAPAYAPA at “generally manageable” ang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr. Hanggang alas-12:00 ng tanghali nitong Miyerkoles (Pebrero 25), nanatiling kontrolado ang sitwasyon kahit sinabayan ito ng ikatlong “Trillion Peso March” na kumokondena sa korupsyon. Nagpatupad ang PNP ng multi-layered deployment strategy sa mga pangunahing lugar tulad ng People Power Monument, EDSA Shrine at White Plains sa Quezon City. Naka-full alert ang National Capital Region Police Office at mahigit 14,000 pulis ang idineploy sa Metro…

Read More

P6.6-B SHABU NASAMSAM SA NADISKUBRENG SHABU LAB/WAREHOUSE

NASA P6.6 bilyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa winasak na crystal meth laboratory at nadiskubreng shabu warehouse sa Valenzuela City. Sa ibinahaging report nitong Miyerkoles ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, isang clandestine shabu (crystal meth) laboratory ang sinalakay ng mga tauhan ng PDEA, katuwang ang Valenzuela City Police Office, kasunod ng naunang buy-bust operation na nagresulta para masamsam ang P6.6 bilyong halaga ng droga. Unang nadakip ng PDEA, katuwang ang Philippine National Police, ang 30-anyos na high…

Read More

SPECIAL NON-WORKING DAYS IDINEKLARA SA ILANG LALAWIGAN

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng serye ng special non-working days sa iba’t ibang lalawigan at lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipagdiwang ang mahahalagang lokal na okasyon, anibersaryo, at kapistahan. Sa ilalim ng Proclamation Nos. 1170 at 1171, idineklara ang Marso 6 bilang special non-working day sa: Gutalac para sa ika-47 Araw ng Gutalac at Tadian para sa Ayyoweng Di Lambak Ed Tadian Festival. Sa Proclamation No. 1172, idineklara naman ang Marso 14 bilang special non-working day sa Passi kaugnay ng Founding Anniversary nito…

Read More