BINIGYANG-DIIN ng Commission on Elections ang kahalagahan ng “discernment” bilang paghahanda sa 2028 elections.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Commissioner Ernest Maceda na mahalagang matutong magsala ng impormasyon sa gitna ng pagdami ng fake news at AI-generated content.
Ayon sa kanya, binuo ng Comelec ang Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (KKK) upang tutukan ang disinformation at makipag-ugnayan sa social media platforms.
Tiniyak din ng poll body ang mas pinaigting na voter education para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kung saan inaasahang aabot sa 2.4 milyon ang mga botante.
(JOCELYN DOMENDEN)
1
