CHINESE EMBASSY NAGPASALAMAT SA PH COAST GUARD

AGAD nagpaabot ng pasasalamat ang Embassy of China in Manila sa tulong na ipinagkaloob ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may sakit na Chinese na crew ng isang foreign vessel. Partikular na nagpahayag ng pasasalamat si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei.

Nabatid na ang Chinese seafarer na sakay ng MV Mount Gilboa ay isinailalim sa medical evacuation (MEDEVAC) ng PCG sa karagatang sakop ng Basilan upang mabigyan ng agarang lunas.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) hinggil sa kondisyon ng pasyente. Agad silang nakipag-ugnayan sa ahente ng barko at inatasan ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) upang isagawa ang MEDEVAC operation.

Nang marating ang tagpuan sa bisinidad ng Baluk-Baluk Island, Basilan, matagumpay na nailipat ang pasyente sa BRP Tubbataha kung saan ito agad na sinuri ng PCG medical personnel onboard.

Bandang 11:03 ng gabi, inilipat ang pasyente sa Bureau of Quarantine (BOQ) Zamboanga para sa kaukulang quarantine at iba pang medical procedures.

(JESSE RUIZ)

1

Related posts

Leave a Comment