WALANG agarang taas-presyo sa tinapay sa kabila ng pagmahal ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ito ang tiniyak ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) president Lucito “Chito” Chavez upang maiwasan ang panic buying sa mga mamimili. Ayon kay Chavez, ginagawa ng kanilang grupo ang lahat upang mapanatiling stable ang presyo ng tinapay sa gitna ng krisis. “Ngunit sa sandaling maapektuhan na ang kalidad ng aming produkto, we may need to adjust prices responsibly,” aniya. Aminado ang APP na ramdam ng industriya ang epekto ng pandaigdigang sitwasyon sa…
Read MoreDay: March 22, 2026
EMPOWERED WOMEN, UMARANGKADA SA LAS PIÑAS!
BUONG sigla at lakas na nagtipon ang mahigit 3,000 kababaihan mula sa 20 barangay sa Las Piñas para sa selebrasyon ng Women’s Month sa Villar Coliseum nitong Sabado, Marso 20. Sa pangunguna ng Villar Foundation, naging tampok ang isang masiglang Zumba competition na nagbigay-buhay sa okasyon—isang makulay na pagsasama ng kalusugan, saya at bayanihan. Hindi lang sayawan ang bida kundi ang mahalagang papel ng kababaihan sa pamilya, komunidad at lipunan—bilang mga lider at tagapagtaguyod ng pagbabago. Dumalo sina dating Senadora Cynthia Villar, kasama sina Senador Mark Villar at Senadora Camille…
Read MoreBULUSAN INILAGAY SA ALERT LEVEL 1
ITINAAS na sa Alert Level 1 ang Mount Bulusan matapos makitaan ng pag-aalburuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Batay sa datos, umabot na sa 475 volcanic earthquakes ang naitala simula Marso 15, indikasyon ng paggalaw sa loob ng bulkan. Naitala rin ang pamamaga o inflation sa ilang bahagi nito at patuloy na degassing activity na may sulfur dioxide emission na 91 tonelada kada araw. Ayon sa Phivolcs, posibleng magdulot ito ng phreatic eruptions o steam-driven explosions anomang oras. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa…
Read MoreANTI-DYNASTY BILL SA KAMARA, ‘DI PA SAPAT—DIOKNO
NANINIWALA si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na kailangan pang palakasin ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kamara upang tuluyang matuldukan ang dominasyon ng mga political family. Ayon kay Diokno, hindi sapat ang House Bill No. 8389 at maaaring hindi nito maresolba ang matagal nang isyu ng political dynasty sa bansa. “The Constitution commands Congress to enact an anti-political dynasty law… but House Bill No. 8389 is falling short,” giit niya. Ikinumpara niya ang bersyon ng Kamara sa Senado, kung saan mas mahigpit ang limitasyon sa magkakamag-anak na sabay-sabay…
Read More