Naghain ng petisyon ang halos 2,000 residente at mga negosyante sa Laiya San Juan, Batangas sa Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II) upang payagan ang Meralco na magbigay ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar. Ikinatwiran ng mga ito ang matagal nang paulit-ulit na problema sa suplay ng kuryente na nakaaapekto sa kabuhayan, negosyo, at sa turismo ng bayan. Patunay ito sa matinding pagkadismaya ng mga residente sa kawalan ng maaasahang serbisyo ng kuryente dahil sa madalas na brownout na gumagambala sa pang-araw-araw na pamumuhay sa isa sa mga pangunahing…
Read More