SUPER EL NIÑO, PINANGANGAMBAHAN NG MGA MAGSASAKA SA BICOL

NANGANGAMBA ang mga magsasaka sa rehiyon ng Bicol sa posibleng epekto ng papalapit na Super El Niño na maaaring magdulot ng matinding tagtuyot at dagdag na pinsala sa sektor ng agrikultura. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Bicol (KMB), matagal nang dumaranas ng sunod-sunod na kalamidad ang mga pamayanan sa rehiyon tulad ng bagyo, pagbaha, tagtuyot at pabago-bagong lagay ng panahon. “Kada taon na kaming nilulubog ng mga sakuna at utang. Hindi pa kami nakakabangon sa nakaraang mga bagyo at pagsabog ng Mayon, eto na naman ang banta ng matinding tagtuyot,”…

Read More

APAT NA! QUEZON PROVINCE, MULING NAKAKUHA NG ‘UNQUALIFIED OPINION’ SA COA

MULING ginawaran ng Commission on Audit (COA) ng “Unqualified Opinion” o pinakamataas na audit rating ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa taong 2025. Ito na ang ika-apat na magkakasunod na taon na nakamit ng lalawigan ang naturang pagkilala mula sa COA. Batay sa Independent Auditor’s Report, sinabi ng COA na ang financial statements ng Pamahalaang Panlalawigan ay patas at naaayon sa lahat ng materyal na aspeto alinsunod sa International Public Sector Accounting Standards (IPSASs). Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sumasalamin ang pagkilalang ito sa pagsisikap ng administrasyon ni Governor Doktora…

Read More

UMANO’Y BAYARAN SA MISSING SABUNGERO CASE, INIREKLAMO SA DOJ

SUMABOG sa galit ang limang pamilya ng mga nawawalang sabungero at nagsampa ng reklamong obstruction of justice sa Department of Justice (DOJ) laban kay Atty. Caroline Cruz, legal counsel umano ng gaming tycoon na si Atong Ang, at iba pa. Sa ambush interview sa DOJ, kinumpirma ng mga kaanak ng mga biktima na umano’y may mahigit 10 pamilya na tumanggap ng pera mula sa kampo ni Ang kapalit ng hindi pagdalo sa mga hearing. Ayon kay Charlene Lasco Biligan, kapatid ng nawawalang sabungero na si Ricardo “Jonjon” Lasco Jr., tumatanggap…

Read More

TESDA MAY LIBRENG ICT, AI TRAINING PARA SA MGA PINOY

MAS marami nang Pilipino ang makatatanggap ng libreng online training sa digital skills, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) sa ilalim ng bagong programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Nakipag-partner ang TESDA sa UNESCO-UNEVOC at HP Foundation sa pamamagitan ng UNESCO Global Foundation upang palakasin ang Information and Communications Technology (ICT) training para sa mga Pilipino. Sa ilalim ng kasunduan, ilalagay sa TESDA Online Program (TOP) ang piling kurso mula sa HP LIFE Program ng HP Foundation para mapaunlad ang kakayahan ng mga technical and vocational education and…

Read More

KASO VS SEN. ROBIN, DADAAN PA SA EVALUATION NG DOJ

SASAILALIM pa sa evaluation ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong obstruction of justice na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senator Robinhood Padilla. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, dadaan muna sa proseso ng pagsusuri ang reklamo at kapag nakitaan ng sapat na ebidensya ay ido-docket ito at isasailalim sa preliminary investigation. Layunin umano ng imbestigasyon na matukoy kung may prima facie evidence o sapat na basehan para sampahan ng kaso sa korte ang mga respondent. Kahapon ay kinumpirma ni Prosecutor General…

Read More

NHA NAMAHAGI NG P64-M EHAP SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA PAROLA

NAGKALOOB ang National Housing Authority (NHA) ng kabuuang P64,020,000 tulong-pinansyal sa 2,134 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Parola, Tondo, Maynila noong Mayo 23, 2026. Pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang pamamahagi ng ayuda nitong Mayo 29, 2026 sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) kung saan tumanggap ng tig-P30,000 ang bawat benepisyaryo. Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. matapos nitong bisitahin kamakailan ang mga apektadong residente at iutos sa NHA ang agarang pagbibigay ng tulong. Kabilang sa mga nakinabang sa ayuda…

Read More

ISA PANG BANGKAY NAREKOBER SA GUMUHONG GUSALI SA ANGELES

NAGSISIMULA nang umalingasaw ang mabahong amoy sa ground zero na hinihinalang mula sa mga naaagnas nang bangkay ng mga construction worker na naipit sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Teodoro Street, Balibago, Angeles City. Ito’y matapos marekober ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ika-anim na biktima nitong Biyernes ng madaling araw na nasa decomposition stage na. Dahil dito, umakyat na sa anim ang kumpirmadong nasawi habang 15 iba pa ang patuloy na nawawala. Kinilala ni Angeles City Information Officer Jay Pelayo ang ika-anim na nasawi na si…

Read More

SEN. MARK VILLAR PINARANGALAN MGA NATATANGING GRADUATES, STUDENT LEADERS

PINARANGALAN ni Senador Mark A. Villar ang mga natatanging college graduates at student leaders mula sa iba’t ibang unibersidad bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa akademya, pamumuno at paglilingkod sa komunidad. Kabilang sa ginawaran sa ilalim ng Mark Villar Leadership Awards ang mga nagtapos mula sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, Cebu Normal University at Marinduque State University. Binigyang-diin ni Villar na ang tagumpay ng mga gradweyt ay hindi lamang bunga ng husay sa pag-aaral kundi repleksyon din ng kanilang disiplina, tiyaga at determinasyong malampasan ang iba’t ibang hamon sa…

Read More

PAGCOR launches 24/7 helpline for people with gambling problem

Senior Vice President for Land-Based Operations Daniel Cecilio (5th from left), Assistant Vice President for Gaming Licensing and Development Department Ma. Vina. Claudette Oca (center), Seagulls Flock Organization Inc. Chairperson Teresita Castillo (4th from right) as well as other VIPs including Winford Manila Foundation, Inc. VP for Gaming Operations Darwin Cusi, NewCoastLeisure Foundation Inc. Chairman She Reyes, Dongwon Heritage Foundation Inc. Assistant Manager for Internal Audit Reynaldo Chua Jr., Thunderbird Foundation Inc. Chairman and President Allee Lourdes Sun, and Thunderbird Foundation Inc. Corporate Finance Head Aurora Irene Pitahin pose for…

Read More