SEN. MARK VILLAR PINARANGALAN MGA NATATANGING GRADUATES, STUDENT LEADERS

PINARANGALAN ni Senador Mark A. Villar ang mga natatanging college graduates at student leaders mula sa iba’t ibang unibersidad bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa akademya, pamumuno at paglilingkod sa komunidad.

Kabilang sa ginawaran sa ilalim ng Mark Villar Leadership Awards ang mga nagtapos mula sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, Cebu Normal University at Marinduque State University.

Binigyang-diin ni Villar na ang tagumpay ng mga gradweyt ay hindi lamang bunga ng husay sa pag-aaral kundi repleksyon din ng kanilang disiplina, tiyaga at determinasyong malampasan ang iba’t ibang hamon sa edukasyon.

“Natutuwa tayo na sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyong inyong pinagdaanan, nagtagumpay kayong maabot ang mahalagang yugto na ito sa inyong buhay. Kahanga-hanga ang inyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at pagsusumikap na nagsisilbing inspirasyon sa kapwa ninyo kabataan,” ani Villar.

Hinimok din ng senador ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang kaalaman, kakayahan at talento hindi lamang para sa personal na tagumpay kundi para rin sa kapakanan ng komunidad at kapwa Pilipino.

“As you move forward to the next chapter of your lives, I hope that you continue to use your knowledge, skills, and talents not only for your own success, but also in service of your communities and fellow Filipinos. Malaki ang maitutulong ng inyong bagong henerasyon sa paghubog ng mas maunlad at mas matatag na bansa,” dagdag pa niya.

Kinilala rin ni Villar ang mahalagang papel ng mga magulang, propesor, mentors at mahal sa buhay sa paggabay sa mga estudyante upang maging responsable at produktibong mamamayan.

“Congratulations to the graduates and student leaders of Batch 2026, together with your proud parents, professors, and mentors. May you make a MARK through your leadership, compassion, and commitment to serving the Filipino people. I wish all of you success in your future endeavors,” pagtatapos ni Villar.

(DANNY BACOLOD)

109

Related posts

Leave a Comment