KASO VS SEN. ROBIN, DADAAN PA SA EVALUATION NG DOJ

SASAILALIM pa sa evaluation ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong obstruction of justice na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senator Robinhood Padilla.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, dadaan muna sa proseso ng pagsusuri ang reklamo at kapag nakitaan ng sapat na ebidensya ay ido-docket ito at isasailalim sa preliminary investigation.

Layunin umano ng imbestigasyon na matukoy kung may prima facie evidence o sapat na basehan para sampahan ng kaso sa korte ang mga respondent.

Kahapon ay kinumpirma ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na naisampa na sa DOJ ang reklamo laban kay Padilla.

Si Padilla ay iniuugnay sa umano’y pagtatago kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa upang hindi umano masilbihan ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.

(JULIET PACOT)

79

Related posts

Leave a Comment