PATAY ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan. Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril bandang alas-9:00 ng umaga kahapon. Kinilala ang biktima na si Norman Dalit. Ayon sa imbestigasyon, huminto sa harap ng bahay ng biktima ang isang van na sinasakyan ng mga suspek. Pagkababa, agad umanong pinagbabaril si Dalit gamit ang Armalite rifle. Duguang bumulagta ang biktima at idineklarang dead on the spot, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay…
Read MoreDay: June 27, 2026
ABOGADA, NAKALAYA MATAPOS MAKAPAGPIYANSA SA 8 COUNTS NG CYBER LIBEL
HUMARAP sa mga mamamahayag si Atty. Marian Dupal-ag matapos makalaya mula sa pagkakakulong nang makapagpiyansa ng kabuuang ₱640,000 kaugnay ng walong (8) bilang ng kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya. Isinampa ang mga kaso ng pamunuan ng Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD) dahil umano sa mga ipinost ni Dupal-ag sa kanyang Facebook page noong nakaraang taon na itinuturing na mapanirang komento. Ayon kay Dupal-ag, isang gabi siyang nanatili sa kulungan kung saan nakihalubilo siya sa ibang mga detenido, pumila para sa pagkain, dumaan sa karaniwang booking procedure,…
Read MorePATAY SA M7.8 LINDOL, 9 PA LANG ANG KUMPIRMADO – NDRRMC
UMAKYAT na sa 81 ang naiulat na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani at mga karatig-lugar noong Hunyo 8, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Batay sa pinakahuling datos, 33 sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, 27 sa South Cotabato, 20 sa Davao Occidental, at isa sa Davao del Sur. Gayunman, sinabi ng NDRRMC na siyam pa lamang sa kabuuang death toll ang kumpirmado at pawang mula sa Davao Region, habang ang 72 iba pa ay patuloy pang bina-validate, kabilang…
Read More₱860-M ILEGAL NA SIGARILYO, NASAMSAM SA 11 CONTAINER VAN SA CEBU
AABOT sa ₱860 milyon ang halaga ng mga iligal na sigarilyo ang nasamsam sa ikinasang joint anti-smuggling operation ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon sa BOC, naharang ng mga awtoridad ang 11 na 40-foot container van na naglalaman ng mga iligal na sigarilyo na may kabuuang halagang tinatayang ₱860 milyon. Sa paunang imbestigasyon, lumabas na ang mga kontrabando ay ipinapasok sa mga lokal na ruta gamit ang…
Read MoreKUMPANYA TALO SA KASONG ILLEGAL DISMISSAL NG EMPLEYADO
TINABLA ng Korte Suprema ang isang kumpanya matapos mapatunayang nagkasala sa illegal dismissal ng isang empleyadong idineklarang AWOL dahil sa pagliban sa trabaho. Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, sinabi ng Third Division na hindi sapat na batayan ang pagliban ni Alvin Carpio dahil sa karamdaman upang siya’y sibakin, kahit pa hindi ito nakapagpaalam sa kanilang opisina. Lumabas sa records na ilang ulit na lumiban si Carpio sa trabaho hanggang ideklarang AWOL dahil umano sa serious misconduct at gross neglect of duty, na naging basehan ng kanyang…
Read More