TELESERYE NA PAGPAPALIBAN SA BSKE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NASA cloud nine na naman ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Sarap ng tulog, panalo ang diskarte. Paano ba naman, isang lagda na lang, dalawang taon pa ang idaragdag sa kanilang termino—ginawang limang taon mula sa dating tatlo, at ngayon ay pinalawig pa mula sa apat. Ayan, aprubado na sa Senado ang panukalang magpapahaba ng kanilang pag-upo, kasunod ng bersyon ng Kamara noong nakaraang linggo. Kasama pa rito ang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028.…

Read More

GILAS TAMBAK SA CHINA, ANO ANG DAHILAN?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAIBA na muna tayo ng topic at pag-usapan ang paglampaso ng China sa ating Gilas national team na binubuo ng professional players mula sa PBA, sa Asian Games na ginaganap ngayon sa Japan. Marami sa atin ang hindi matanggap ang malaking agwat ng score sa atin ng China kung saan tinambakan ang ating Gilas team ng 44 na puntos at nagtapos ang laro sa score 105-61. Sari-saring mga opinyon tuloy ang naglipana sa social media kung saan ang tanong ng karamihan ay nasaan ba ang players…

Read More

LORD’S BATTLE

HOPE ni GUILLER VALENCIA “…this is the LORD’s battle…,” (I Samuel 17:47). Ang talata natin ngayon ay mula sa kuwento tungkol kay David at Goliath. Bumaba si David mula sa kampo ng hukbong Israelita patungo sa lambak (valley) ng Elah para salubungin at makipaglaban sa higanteng si Goliath. May pananampalataya, sinabi ni David kay Goliath, “Ngayon ay lilipulin kayo ng Panginoon, at papatayin ko kayo at ihihiwalay ang inyong ulo,” (I Samuel 17:46). Nanalig si David dahil alam niya kung kaninong digmaang iyon. Alam niya na ang labanan ng mga…

Read More

MGA MANILEÑO NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG ‘INA NG TONDO’

TARGET ni KA REX CAYANONG MAY mga taong hindi kailangang magkaroon ng mataas na posisyon upang maging mahalaga sa isang komunidad. Isa na rito si Angela “Nanay Nene” Lopez Ching, na sa loob ng 36 na taon ay naging katuwang, tagapagtanggol at sandigan ng maraming pamilya sa Tondo. Sa kanyang pagpanaw, libo-libong residente ang nagtipon upang magbigay ng huling respeto. Ipinakita ng kanilang pagdalo kung gaano kalalim ang naging ugnayan ni Nanay Nene sa mga taong kanyang pinaglingkuran. Hindi lamang siya nakilala dahil sa kanyang malasakit sa mga nangangailangan. Naging…

Read More

PASAHERO NG SUMADSAD NA RORO VESSEL, INILIKAS NG PCG

LIGTAS na nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero at crew matapos sumadsad ang MV RoRo Master 5, 30 metro mula sa baybayin ng Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro, nitong Huwebes ng madaling araw, Setyembre 17, 2026. Ayon kay PCG spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, ang 779-gross-ton RoRo passenger vessel ay bumibiyahe mula sa Port of Batangas patungong Port of Abra de Ilog sa Occidental Mindoro nang mangyari ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw. Alas-6 ng umaga, nailipat ang lahat ng mga pasahero sa Port of…

Read More

‘3 DELIVERY RIDERS’ TINUTUGIS SA PAMAMARIL

TINUTUGIS ng pulisya ang tatlong kalalakihan na nagpanggap na delivery riders at responsable sa pamamaril sa isang babaeng negosyante sa aktong tinatanggap nito ang parcel sa Gen. Trias City, Cavite noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Divine Grace Hospital ang biktimang isang 37-anyos na ginang dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib at kaliwang bahagi ng tiyan. Ayon sa ulat, dumating ang isa sa mga suspek sa bahay ng biktima sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-3:00 ng hapon, nagpanggap na delivery rider at sinabing may parcel…

Read More

TAN HUMIHINGI NG PALIWANAG SA DOJ SA NAKABINBING PETREVS AT MRs

HUMIHINGI ng paliwanag si Samar Second District Rep. Reynolds Michael T. Tan sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa paraan ng paghawak nito sa mga matagal nang nakabinbing Petitions for Review (PetRevs) at Motions for Reconsideration (MRs). Plano ni Tan, miyembro ng House Committee on Justice, na magpatawag ng congressional inquiry upang siyasatin ang estado ng mga nakabinbing PetRevs at MRs. Nag-ugat ang interes ng mambabatas sa isyu matapos siyang makatanggap ng liham mula sa pamilya ng isang magsasakang napatay noong 2017. Sa liham kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida,…

Read More

HUMAN RIGHTS GROUP SUMUGOD SA CAMP CRAME

NAGSAGAWA ng kilos-protesta nitong Huwebes ng umaga ang nasa 30 miyembro ng ilang human rights group sa harap ng Camp Crame sa Quezon City. Bitbit ng mga raliyista ang mga plakard at banner mula sa Kalikasan, Katribu, Siklab at iba pang grupo. Tinututulan ng mga nagprotesta ang umano’y marahas na pagbuwag sa kanilang barikada na isinagawa bilang pagtutol sa large-scale mining operations sa Nueva Vizcaya at Palawan. Binatikos din nila ang umano’y red-tagging sa mga human rights advocate na nagsagawa ng relief operations sa Cagayan. Ayon sa grupo, nakararanas din…

Read More

BEYOND CALL OF DUTY: THE HEROIC LEGACY OF THE PAF RESERVIST

(A1C Jaycar G Turla PAF) BEHIND every successful mission, the men and women of the Philippine Air Force serve not only for the recognition but out of an unwavering commitment to the Nation. When people think of heroes in uniform, they often picture those serving on the frontlines during times of conflict or responding to national emergencies. Yet, beyond the spotlight, another group of dedicated men and women quietly answers the call of duty whenever the nation needs them, these our Philippine Air Force Reservists. PAF Reservists come from different…

Read More