NAGSAGAWA ng kilos-protesta nitong Huwebes ng umaga ang nasa 30 miyembro ng ilang human rights group sa harap ng Camp Crame sa Quezon City.
Bitbit ng mga raliyista ang mga plakard at banner mula sa Kalikasan, Katribu, Siklab at iba pang grupo.
Tinututulan ng mga nagprotesta ang umano’y marahas na pagbuwag sa kanilang barikada na isinagawa bilang pagtutol sa large-scale mining operations sa Nueva Vizcaya at Palawan.
Binatikos din nila ang umano’y red-tagging sa mga human rights advocate na nagsagawa ng relief operations sa Cagayan.
Ayon sa grupo, nakararanas din umano ng panggigipit ang ilan nilang kasamahan sa Metro Manila sa pamamagitan ng mga reklamong inihahain kaugnay ng kanilang mga kilos-protesta laban sa Pax Silica sa Luzon Economic Corridor Investors Forum.
(TOTO NABAJA)
91 