GILAS TAMBAK SA CHINA, ANO ANG DAHILAN?

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAIBA na muna tayo ng topic at pag-usapan ang paglampaso ng China sa ating Gilas national team na binubuo ng professional players mula sa PBA, sa Asian Games na ginaganap ngayon sa Japan.

Marami sa atin ang hindi matanggap ang malaking agwat ng score sa atin ng China kung saan tinambakan ang ating Gilas team ng 44 na puntos at nagtapos ang laro sa score 105-61.

Sari-saring mga opinyon tuloy ang naglipana sa social media kung saan ang tanong ng karamihan ay nasaan ba ang players na naglaro nito lang nakaraang FIBA-Asia window dito sa atin, kung saan tinalo natin ang dalawang team na nakalaban natin kahit na wala pa ang ating reinforcement na si Justin Brownlee.

Pero nasaan nga ba sina Kai Sotto, AJ Edu, Dwight Ramos at iba pa?

Ayon sa kinikilalang sports analyst at broadkaster na si Dennis Principe, hindi obligado ang teams ng naturang players na ipahiram sila sa national team.

‘Di tulad ng FIBA na may kasunduan ang iba’t ibang bansa na kasali sa International basketball body sa pagpapahiram sa players. Kaya wala sa Gilas lineup ng mga naglaro sa Asian Games, ang manlalarong nagpanalo sa atin nito lang FIBA-Asia Window.

Isa pang tinukoy ng respetadong brodkaster ang pamba-bash na tinatanggap ng players at maging ng coaching staff mula sa netizens kapag sila ay natatalo.

Maniwala kayo sa hindi, ito raw ay isa pa sa nagpapawalang gana sa players na maglaro sa national team.

Nakatutuwa na kaya na nating manalo sa mga international competition na sanction ng FIBA. Pero diretsahan tayo, malayong makuha natin ang kampeonato sa torneong ito.

Dapat ang korona ng pinakamagaling dito sa Asya, ang ating pagtuunan ng pansin.

72

Related posts

Leave a Comment