INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong P120-bilyong elevated road project na mag-uugnay sa Balintawak, Quezon City, hanggang Bocaue, Bulacan, upang mapaluwag ang daloy ng trapiko at mabawasan ang oras ng biyahe ng mga motorista. Inihayag ng Pangulo ang proyekto nitong Huwebes sa pagbubukas ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A sa Valenzuela City. Ayon kay Pangulong Marcos, pangangasiwaan ng MVP Group ang proyekto sa pakikipag-ugnayan sa San Miguel Corporation (SMC) Group upang mapalawak ang road network at magkaroon ng alternatibong ruta ang mga motorista. Aniya, hiniling niya…
Read MoreDay: October 31, 2026
Magpapalaki pa sa kita ng tsuper E-TRIKE ISINULONG PARA TIPID SA GASOLINA
MAKATITIPID sa gasolina at mas malaking kita ang maiuuwi ng mga drayber ng traysikel sa paggamit ng mga de-kuryenteng traysikel o e-trike, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyon sa lokal na pagmamanupaktura ng mga de-kuryenteng sasakyan upang mabawasan ang gastusin sa transportasyon at mapalakas ang industriya ng sasakyan sa bansa. “Mas mababang gastos sa gasolina, mas malaki ang maiuuwi sa ating mga pamilya,” pahayag ng Pangulo sa pagbisita niya nitong Huwebes sa planta ng Sazgar Philippines Inc. sa Biñan, Laguna. Ayon kay Pangulong…
Read More13K PULIS, FORCE MULTIPLIERS IPAKAKALAT NG POLICE REGIONAL OFFICE 3 SA UNDAS 2026
AARANGKADA na ang higit sa 13 libong pulis at force multipliers upang panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas 2026. Ayon sa Police Regional Office 3, magbabantay ang halos 8,000 na mga pulis sa mga himlayan habang ang limang libo naman ang gaganap ng kanilang tungkuling pangseguridad at kaligtasan Nasa 857 naman ang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcer at mahigit 4,400 ang miyembro ng iba’t ibang grupo at force multipliers Sinabi ni PRO 3 Director, PBGen. Jess Mendez,…
Read MoreP110.9M SMUGGLED PRODUCTS NASABAT SA 3 SASAKYANG-PANDAGAT
NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Navy Naval Command Western Mindanao (NCWM) ang tatlong sasakyang-pandagat na may kargang hinihinalang puslit na mga sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyong pandagat na isinagawa mula Oktubre 9 hanggang 27, 2026. Ayon sa report na isinumite ng NCWM sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta sa punong himpilan ng Philippine Navy sa Maynila, nasa P110,907,467.20 ang pinagsamang halaga sa pamilihan ng mga sasakyang-pandagat at kanilang mga kontrabando. Ayon sa NCWM, noong nakalipas na Martes, Oktubre 27, nasabat ng mga…
Read MoreDON’T PANIC
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PATULOY ang pagsadsad ng piso kontra dolyar, pero huwag daw mabahala ang mga Pilipino. Kamakalawa, Oktubre 28, nagsara sa P64.025 ang palitan ng piso kontra dolyar. Mas malakas ito kumpara sa maituturing na pinakamababang antas ng piso sa kasaysayan, P64.17 nitong Martes, Oktubre 27. Aber, bakit hindi magpa-panic ang mga Pilipino kung ang paglagapak ng piso kontra dolyar ay makaaapekto sa ekonomiya. Bakit hindi matataranta ang mga Pilipino sa pagsadsad ng piso kung ito ay daan patungo sa posibleng tinatawag na stagflation. Ang stagflation ay kombinasyon…
Read MoreMATAAS NA PRESYO NG BILIHIN, KAYA PA BA NG PINOY?
LINAWIN NATIN! ni ARDEE DELLOMAS HANGGANG kailan kaya kakayanin ng ordinaryong mga Pilipino ang patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar, at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Ano ang inaasahan nating mga konkretong solusyon na dapat isagawa ng administrasyong Marcos upang hindi lalong maghirap ang ating mga kababayan? Napakahalaga ng tanong na ito dahil ramdam ito sa pang-araw-araw na pagtungo ng ating mga kababayan sa palengke at pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. Sa datos ngayong Oktubre 2026, mabigat ang pinagsabay na pressure: Ang piso ay nagtatala…
Read MoreCONG. JOSE CHAVES ALVAREZ, ITINANGGI UGNAYAN SA DISCAYAS AT SA SIX-LANE HIGHWAY PROJECT SA PALAWAN
TARGET ni KA REX CAYANONG MARIING itinanggi ni Palawan Second District Representative Jose Chaves Alvarez ang mga alegasyong may kaugnayan siya sa mga kumpanyang iniuugnay sa mga Discaya at sa six-lane national highway project sa Palawan. Ayon kay Alvarez, wala siyang naging pakinabang sa naturang proyekto at wala rin siyang kaugnayan sa mga kontratistang iniuugnay sa pamilya Discaya. Pinabulaanan din ng kongresista ang mga paratang na tumanggap siya ng pera mula sa mga contractor na sangkot umano sa mga proyekto sa lalawigan. Naglabas ng paglilinaw si Alvarez matapos siyang maiugnay…
Read More