AARANGKADA na ang higit sa 13 libong pulis at force multipliers upang panatilihin ang kaayusan at seguridad ngayong Undas 2026.
Ayon sa Police Regional Office 3, magbabantay ang halos 8,000 na mga pulis sa mga himlayan habang ang limang libo naman ang gaganap ng kanilang tungkuling pangseguridad at kaligtasan
Nasa 857 naman ang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcer at mahigit 4,400 ang miyembro ng iba’t ibang grupo at force multipliers
Sinabi ni PRO 3 Director, PBGen. Jess Mendez, tutok ng kanilang pagbabantay ang 688 interment sites na kinabibilangan ng 501 sementeryo, 175 memorial sites at 12 columbaria sa buong rehiyon
Nakapagtatag din aniya sila ng 614 na mga Police Assistance Desk (PADs) sa mga istratehikong lugar para alalayan ang publiko at magresponde sakaling kailanganin
Nagdagdag din sila ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan at expressway kabilang ang NLEX, SCTEX at TPLEX dahil sa inaasahang pagdagsa ng bilang ng mga motorista at biyahero sa panahong ito.
Hinikayat naman ni Mendez ang kanilang nasasakupan na gawin ang ibayong pag-iingat at planuhing maigi ang kanilang biyahe.
(TOTO NABAJA)
70 