HINIMOK ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga lider ng bansa na isantabi muna ang bangayang pulitikal at magkaisa sa paglutas sa mga suliranin ng ekonomiya sa halip na hintayin pa ang 2028 elections habang patuloy na naghihirap ang mga Pilipino. Sa kanyang Facebook livestream nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026, sinabi ni Cayetano na hindi dapat magdusa ang karaniwang mamamayan dahil lamang hindi magkasundo ang mga pinuno sa pamahalaan, negosyo, media, simbahan at sektor ng edukasyon. Hinimok niya ang administrasyon, oposisyon at mga lider ng iba’t ibang sektor…
Read MoreDay: November 15, 2026
49TH ASEAN SUMMIT SA MAYNILA UMARANGKADA
PORMAL nang binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Maynila nitong Linggo, Nobyembre 15, kung saan nanawagan siya ng pagkakaisa at sama-samang pananagutan ng mga bansa sa pagtugon sa mga hamon sa rehiyon. Sa opening ceremony na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos, bilang 2026 ASEAN Chair, ang kahalagahan ng regional unity at shared responsibility upang mapanatili ang katatagan at mapalakas ang kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN.…
Read MoreNUMBER CODING SA METRO MANILA SUSPENDIDO HANGGANG MIYERKOLES
SUSPENDIDO ang number coding scheme sa Metro Manila mula Lunes, Nobyembre 16, hanggang Miyerkoles, Nobyembre 18, 2026, bilang bahagi ng paghahanda sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits na gaganapin sa bansa. Layunin ng suspensyon na mapadali ang biyahe ng mga motorista at maiwasan ang karagdagang abala sa gitna ng mga paghahanda at aktibidad para sa pagtitipon ng mga lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa. Sa loob ng tatlong araw, hindi muna ipatutupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding…
Read MoreVILLAR: ASEAN 2026, PAGKAKATAON UPANG PALAKASIN EKONOMIYA AT LUMIKHA NG TRABAHO
UMAASA si Senator Mark Villar na magbubunga ang pagho-host ng Pilipinas sa ika-49 na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maraming oportunidad sa pamumuhunan, paglikha ng trabaho at benepisyong pang-ekonomiya para sa mga Pilipino at iba pang mamamayan sa Timog-Silangang Asya. Sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together,” sinabi ni Villar na dapat magbunga ang pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ng mas matibay na ugnayang panrehiyon at konkretong hakbang upang matugunan ang mga suliraning direktang nakaaapekto sa mamamayan, kabilang ang pagtaas ng presyo ng mga…
Read MoreP25-B PARA SA MAYNILA: SERBISYO, ‘DI PALABAS!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MALAKING pondo, malaking responsibilidad, ngunit higit sa lahat, malaking oportunidad para mas mapabuti ang buhay ng bawat Manileño. Isang magandang hakbang para sa kinabukasan ng Maynila ang pag-apruba ng P25-bilyong budget para sa Fiscal Year 2027. Isa itong malinaw na pagpapakita ng direksyon ng administrasyong Mayor Isko Moreno Domagoso: unahin ang pangangailangan ng tao at tiyaking ang pondo ng lungsod ay naibabalik sa mamamayan sa pamamagitan ng konkretong serbisyo. Hindi biro ang halagang P25 bilyon. Ngunit mas mahalaga kaysa laki ng pondong ito ang…
Read MoreWALANG KWENTA ANGAS KUNG PURO PASIKAT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY karapatan ang sinomang mambabatas na batikusin ang pamahalaan, ilantad ang mga pagkukulang nito at manawagan ng wastong paggamit sa kaban ng bayan. Pero masakit pa rin sa tengang pakinggan kapag maangas o mayabang ang dating ng nagsasalita. Marami nang nabudol sa estilong palamura, maangas o maginoong bastos pero pasado pa rin. Lalong hindi nararapat na sa tindi ng pagkamuhi sa gobyerno ay pati interes ng bansa nadadamay. Ito ang problema sa mga pahayag ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando kaugnay ng paghahanda ng Pilipinas…
Read MoreTULONG MEDIKAL NG PCSO, MAS MADALI AT MAS MABILIS
TARGET ni KA REX CAYANONG KAPAG may miyembro ng pamilya na naospital, hindi lamang kalusugan ang iniisip ng mga kamag-anak. Kasabay nito ang pag-aalala kung saan kukuha ng pambayad sa ospital. Para sa mga pamilyang kapos sa pera, bawat araw na pananatili ng pasyente sa ospital ay dagdag na gastusin at alalahanin. Kaya mahalaga ang tulong medikal na ibinibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga nangangailangan. Magandang balita ang posibilidad na makapaglabas ang ahensya ng guarantee letter sa loob lamang ng 24 oras kung kumpleto ang mga kinakailangang…
Read More