CATHOLIC SCHOOL SA BACOOR, INULAN NG BOMB THREAT

INULAN sa online ng pagbabanta na pasasabugin ang isang catholic school sa Bacoor City Cavite noong Miyerkoles ng umaga.

Kabilang sa pagbabanta mula sa Facebook account ng St. Michael Institute Inc. na matatagpuan sa General Evangelista St., Tabing Dagat, Poblacion, Bacoor City, Cavite, na natanggap ng isang guro ang sumusunod:

1. “Greetings St. Michael’s Institute Of Bacoor first of all gusto ko lang magpakilala, isa akong taong hindi studyante o guro ngunit gusto ko lang makaganti sa may mga atraso sa kin dyan sa school nyo, mas lalo na yung principal nyo, binabalaan ko lang kayo kung gusto nyo walang madamay o mamatay dyan sa campus nyo, bukas magpaplanta kami ng grupo ko ng bomba sa loob ng school nyo at humanda na lang kyo sa kung ano ang mangyayari at wala na akong pakialam doon, at sa wakas natapos din yung ginawa naming bomba, kung nagtataka kayo kung pano ako makakapasok sa campus nyo, sanay din ako sa akyat bahay, pwes humanda na lang kayo sa mangyayari. PS. pupunta ng pupunta dyan ako sa school nyo every other day starting today, GOODLUCK “Michaelians””

2. “Greetings St. Michael’s Institute Of Bacoor first of all gusto ko lang magpakilala, isa akong taong hindi studyante o guro ngunit gusto ko lang makaganti sa may mga atraso sakin dyan sa school nyo, mas lalo na yung principal nyo, binabalaan ko lang kayo kung gusto nyo walang madamay o mamatay dyan sa campus nyo, bukas magpaplanta kami ng grupo ko ng bomba sa loob ng school nyo at humanda nalang kyo sa kung ano ang mangyayari at wala na akong pakialam doon, at sa wakas natapos din yung ginawa naming bomba, kung nagtataka kayo kung pano ako makakapasok sa campus nyo, sanay din ako sa akyat bahay, pwes humanda na lang kayo sa mangyayari. PS. pupunta ng pupunta dyan ako sa school nyo every other day starting today.

3. GOODLUCK “Michaelians” Wag niyo pong hintayin na ipapahamak ko lhat ng estudyanti at goro sa paaralan na yan, maron kayo hanggang 11 AM magsialis dyan.”

Dahil sa natanggap na banta, pinalabas nila ang mga estudyante at faculty bandang alas-11:00 ng umaga at inipon sa isang lugar na walang banta sa panganib.

Ang natanggap na pagbabanta ay ini-refer sa Cybercrime Unit para makilala ang may hawak ng account, at para sa mga teknikal na aspekto.

(SIGFRED ADSUARA)

171

Related posts

Leave a Comment