25 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

UMABOT sa 25 ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nabanggit na mga lungsod.

Ayon sa ulat, 15 ang patay sa Caloocan City noong Abril 16 at lumobo sa 1,793 ang active cases. Pumalo na sa 22,617 ang total confirmed cases. Sa bilang na ito ay 20,168 na ang gumaling at 656 na ang namatay.

Apat naman ang namatay sa Navotas noong Abril 15 at 1,060 ang active cases makaraang 109 ang nagpositibo at 96 ang gumaling. Sumampa na sa 9,748 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa bilang na ito ay 8,405 na ang gumaling at 283 na ang namatay.

Tatlo naman ang namatay sa Malabon City noong Abril 16 at 371 na ang COVID death toll. Habang 143 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,235 na ang positive cases, 875 dito ang active cases. Umabot naman sa 94 ang gumaling.

Tatlo naman ang binawian ng buhay sa Valenzuela City noong Abril 16 at 1,235 ang active cases matapos na 178 ang gumaling ngunit 198 naman ang nagpositibo. Pumanhik na sa 15,243 ang nasapol ng pandemya sa siyudad, kung saan 13,633 na ang gumaling at 375 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

 

151

Related posts

Leave a Comment