CAVITE – Dinampot ng mga awtoridad ang 27 hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa magdagamang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga arestado ana sina Mark Angelo Conception, 34; Reynaldo Bocalan, 42, at Elberto Balasa, 44, pawang ng Tanza; Ronald Aquino y Garzon, 39, ng Alfonso; Amado Mojica ng Cavite
City; Edmund Nazarrea, 31; Mac Dave Dador, 45, at Ronald Quiton, 37, pawang sa GMA; Cleotilde Castaneda, pawang nasa wastong edad at residente ng Kawit; Jayson Alde ng Noveleta; Edzel Paor, 33, at Marco Vergara, 41, kapwa sa Dasmariñas City; Christian Jay Bonifacio, 24; Romeo Asilo, 39, at Roland Pineda, 34, pawang residente ng Naic; Robert Espinoza ng Imus City; Ivan Dale Ronquillo,
24, ng Gen. Trias City; Rommel Legwa, 47, at Melvin Mancera, 45, kapwa residente ng Silang; Virgilio Iyaya, 39; Wilson Bautista, 39, at Rosalino Iyaya, 56, pawang ng Magallanes; Darwin Mahilom, 40; Bryan Sanchez, 27; Marycar Canete, 35, at Edwin Delos Santos, 38, pawang ng Bacoor City.
Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) kay PCol. Marlon Santos, Cavite PPO Provincial Director, isinagawa ang buy-bust operations sa pagitan ng ala-1:20 noong Biyernes ng hapon hanggang alas-5:30 nitong Sabado ng umaga sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.
Sa nasabing buy-bust operations, tinatayang 48 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek, (SIGFRED ADSUARA)
