3 ARESTADO SA ILLEGAL MINING SA CAMNORTE

CAMARINES NORTE – Tatlong indibidwal ang isinelda ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Environmental Crime Division (NBI-EnCD) sa isinagawang follow-up sa ipinatupad na Cease-and-Desist Order sa mining activities sa Barangay Tayabas, sa bayan ng Paracale sa nasabing lalawigan.

Kinilala ni NBI Director JaimeSantiago ang mga suspek na sina Archel Armillos, Bobby Loyola at Judy Deauna

Ang tatlo ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7943 (Philippine Mining Act of 1995) at Section 77 ng Presidential Degree 705 (Reform Forestry Code of the Philippines).

Ayon sa NBI, naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng illegal mining activity sa area.

Nakumpiska ng mga awtorida ang iba’t ibang mining equipment na natagpuan sa naturang lugar. (RENE CRISOSTOMO)

114

Related posts

Leave a Comment