SYUT sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City noong Martes ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alyas “Atan,” 31, ng Tulay 9, Brgy. Daang Hari, Navotas City; Allan Ruthirakul, 49, at Irene Flores, 42, kapwa ng Esguerra St., Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City.
Ayon kay P/SSgt. Jerry G. Basungit, dakong alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Barot, ng buy-bust operation sa P. Aquino Ave., Brgy. Tonsuya.
Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na umaktong poseur buyer, kapalit ng P500 marked money.
Nakumpiska sa mga suspek ang 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P183,600, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)
230
