INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.
Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Pilipino sa 16 rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.
Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
“The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Kaya, hinikayat ng pamahalaan ang mga hindi pa bakunado na lumahok sa “Bayanihan Bakunahan” project upang mabigyan ng mga ito ang kanilang sarili at pamilya ng proteksyon at kapayapaan ng isipan dahil sa bakunang ituturok sa kanila.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng nag-organisa ng mga tauhan at resources para pakilusin sa pagbabakuna sa mamamayang Pilipino. (CHRISTIAN DALE)
