3 NAGTUROK NG ANTI-RABIES SA MGA ASO INARESTO

CAVITE – Inaresto ang tatlo katao na mga empleyado ng isang veterinary and animal protection service matapos magturok ng anti-rabies vaccine sa ilang mga aso sa Imus City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Napoleon Yatar, 25; Raymond Soltura, 38, at Richard Coral, 46, pawang mga empleyado ng MAPPERS Veterinary and Animal Protection Service dahil sa reklamo nina Marry Ann Mirasol at Johnnie Munique Benesisto, kapwa veterinarian at residente ng Buhay na Tubig, Imus City.

Ayon sa ulat ni Pat. Gerard Ashely Gervacio ng Imus City, alas-10:30 noong Biyernes ng umaga nang marinig nina Dr. Benisisto at Dr. Mirasol ang tawag sa pamamagitan ng megaphone hinggil sa pag-aalok ng bakuna para sa mga aso sa Villa Hermosa Subdivision, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Ayon sa dalawang veterinary doctors, lumabas sila upang kumpirmahin kung nagmula sa City Veterinary ang mga nag-aalok ng anti-rabies ngunit nang nalaman na mula sa isang kumpanya ang mga ito ay agad nilang ini-report sa pulisya.

Nabatid na wala umanong “legal qualification to practice veterinary medicine” ang tatlo upang magturok ng anti-rabies.

Kasong paglabag sa RA 9268 (An Act to Regulate the Practice of Veterinary Medicine in the Philippines, Repealing for the Purpose Republic Act No. 382 and for other purposes ang kinahaharap na kaso ng tatlo. (SIGFRED ADSUARA)

515

Related posts

Leave a Comment