30-DAY “NATIONAL PAYMENT HOLIDAY”

KASUNOD ng pagpayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iurong ang deadline sa paghahain ng Income Tax Return (ITR) sa Mayo 15, 2020, iginiit sa Kamara na
magpatupad ng isang buwang tax holiday sa lahat ng uri ng bayarin.

Ginawa ni Quezon City Rep. Precious Hipolito ang nasabing suhestiyon matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa State of Calamity sa loob
ng anim na buwan.

“Since President Duterte has placed the country under a state of calamity for six months, I am proposing a national payment holiday for 30 days to help our people
through the enhanced community quarantine. Desperate times call for desperate measures,” ani Hipolito.

Ayon kay Hipolito, hindi lang BIR ang pinoproblema ng publiko kundi ang iba pang bayarin sa iba pang inistitusyon tulad ng Social Security System, Government
Service Insurance System, Pag-ibig Fund at PhilHealth.

Kasama sa mga nais ng mambabatas na suspendihin ay ang pababayad ng kontribusyon, loan amortization dahil tiyak na iindahin ng publiko ang community quarantine na
ito kung saan, apektado ang kita ng mga kumpanya at maging ng mga tao. Maliban dito, kailangan din aniyang magkaroon ng 30 days payment holiday sa
utilities tulad ng tubig, ilaw, internet, at iba pa.

Maging ang toll fees sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) at  NAIA road network ay dapat din umanong suspendihin ng isang buwan upang
makatulong sa mamamayan. BERNARD TAGUINOD

130

Related posts

Leave a Comment