31 BRGY SA MAYNILA, ISASAILALIM SA HARD LOCKDOWN

NAKATAKDANG isailalim sa 48-hour hard lockdown ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 31 barangay sa lungsod.

Nilagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 31 bilang pagsasailalim sa enhanced community quarantine sa 31 barangay para sa disease surveillance at rapid risk assessment and testing operations bilang pagtugon ng lungsod laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ipinalabas ng alkalde ang nasabing EO makaraang kumpirmahin ng Manila Health Department na nakapagtala nang mahigit sa tatlong positibong kaso ng sakit sa naturang mga lugar mula Hunyo 15 hanggang 29.

Magsisimula ang hard lockdown mula alas-12:00 ng madaling araw ng Hulyo 4 hanggang 11:59 ng madaling araw ng Hulyo 5.

Ayon pa sa EO, may kabuuang 147 positive cases ang 31 barangay na ito, ayon sa sertipikasyon mula sa Manila Health Department (MHD).

Ang mga isasailalim sa hard lockdown ay ang sumusunod: sa District 1 ay ang Barangay 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 116, 118, 120, 128, 129.

Ang Barangay 163, 173, 180, 185, 215 mula sa ikalawang distrito. Sa District 3 ay mga Barangay 275, 310, 343, 380.

Sa District 5 ay ang Barangay 649, 724, 766, 775, 811 at Barangay 836, 846, 847 naman sa District 6.

Samantala, pinayuhan ang mga residente ng naturang barangay na manatili lamang sa loob ng kanilang bahay.

Habang excempted naman dito ang health workers, military personnel, service workers, utility workers, essential workers, barangay officials at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at Inter Agency Task Force (IATF). (DAHLIA ANIN)

109

Related posts

Leave a Comment