33 TULAK LAGLAG SA CAVITE POLICE

pulis

CAVITE – Umabot sa 33 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng Cavite Police sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-6:00 Lunes ng umaga hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation sa limang lungsod at limang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Nanguna sa pinakamaraming bilang ng mga tulak na naaresto ang Lungsod ng Dasmariñas sa bilang na pito; sumunod ang Cavite City na anim; tig-lima naman ang Gen. Trias City at Tanza; tatlo sa Rosario; tig-dalawa sa Bacoor City at General Mariano Alvarez (GMA); habang ang Alfonso, Maragondon at Trece Martires City ay tig-iisa. (SIGFRED ADSUARA)

220

Related posts

Leave a Comment