341 NAIA PERSONNEL BINALASA NG BI

SIMULA kahapon, mahigit sa 300 officers ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang pinag-report sa kanilang bagong terminal assignments bilang bahagi ng kampanya ng ahensya para mapigilan ang korapsyon sa kanilang personnel.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, BI Acting Port Operations chief, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na inaprubahan nito ang rekomendasyon na ipatupad ang rotation scheme sa nasabing pangunahing pwerto noong Oktubre 3.

Sinabi pa ni Capulong, sa 341 BI officers na inilipat, hindi kasama ang 99 newly hired immigration inspectors na kasalukuyang nasa on-the-job training sa airport.

Pagkatapos ng bagong recruits sa kanilang training, ay agad silang itatalaga sa pangunahing ports ng bansa.

“This will be the last rotation of our NAIA personnel this year as the next reshuffle will be implemented during the first quarter of 2022,” ani Capulong.

Matatandaan, bukod sa BI officers na mangangasiwa sa NAIA’s Immigration Counters, ililipat din ng BI ang terminal assignments ng 77 immigration supervisors sa airport.

Nauna rito, inanunsyo ni Morente na ang bureau ay binilisan ang recruitment ng 200 bagong BI officers na itatalaga sa NAIA at iba pang major ports sa susunod na taon.

Inihayag din ng BI chief na kailangan nila sa field ng karagdagang immigration inspectors matapos sabihin ng Department of Transportation (DOTr) na ikinukunsidera nila ang pagtaas araw-araw ng bilang ng mga pasahero na dumarating, at sa pagbubukas ng iba pang paliparan sa international travel.

Kaugnay nito, umaasa si Morente na ang international travel ay magiging normal sa susunod na taon bilang patuloy na pagpupursige sa kanilang pagsisikap na mabakunahan ang lahat ng populasyon para maabot ang herd immunity laban sa COVID-19. (JOEL AMONGO)

244

Related posts

Leave a Comment