37 nagpositibo PMA NAPASOK NA NG COVID-19

TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ginagawa nila ang lahat para tuluyang makontrol at hindi na kumalat ang coronavirus sa loob ng akademiya matapos lumabas ang ulat na umaabot na sa 37 ang COVID-19 positive sa loob ng Philippine Military Academy.

Inatasan ni AFP chief of Staff Gen Gilbert Gapay si PMA Superintendent Maj. Gen. Ferdinand Cartojano na gawin ang lahat upang matiyak na ligtas at hindi na kumalat pa ang coronavirus sa PMA ground partikular sa hanay ng mga kadete.

Ayon kay AFP Spokesman Maj Gen Edgard Arevalo, tiniyak ni Mgen Cartojano sa mga magulang ng kadete na sisiguruhin nilang ligtas ang kanilang mga anak sa loob ng akademiya at patuloy ang ginagawa nilang mga hakbangin at mahigpit na health security protocols sa PMA bukod pa sa pakikipag-ugnayan sa mga health officer ng Baguio City.

Mabilis na kumalat ang balitang nakalusot ang coronavirus disease sa matibay na depensa ng PMA sa likod ng hard lockdown na ipinatupad simula pa noong nakalipas na Pebrero para pangalagaan ang mga kadete laban sa pandemiya.

Ayon sa ulat, sa isinagawang halos 400 test sa loob ng military campus ng Fort del Pilar noong Disyembre 16 hanggang Disyembre 18, 2020 ay tatlo ang nagpositibo sa virus subalit nitong Sabado ay umakyat ang bilang ng infections sa 37.

Hindi naman tinukoy kung mga kadete, sundalo, guro o kaanak ng mga enlisted PMA personnel ang mga bagong nagpositibo.

“We are comforted to note that all affected are assymptomatic and pose no greater danger to cadet’s health. There are a number of them who have also recovered. We assure the parents and their families that their health and needs are being attended to by Headquarters PMA.

Aside from the tests, as per the PMA’s safety and health protocol for COVID-19 and that of DOH, the Academy has conducted immediate isolation of positive cases, lockdown, contact tracing, quarantine of general contacts, and disinfection of affected areas,” ani Major Cherryl P Tindog, chief, Public Affairs Office ng PMA. (JESSE KABEL)

102

Related posts

Leave a Comment