APAT ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hulyo 4.
Mula sa bilang na 1,093 noong Hulyo 2, pumanhik sa 1,097 ang COVID death toll sa lungsod, habang 411 naman ang active cases matapos na 20 ang nagpositibo sa virus.
Pumalo na sa 38,530 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 37,022 na ang gumaling.
Wala namang naitalang namatay sa Malabon City sa nasabing araw kaya’t hindi gumalaw ang 448 COVID death toll ng siyudad. Walo naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,510 ang positive cases sa Malabon, 87 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Concepcion (1), Hulong Duhat (4), at Tinajeros (3).
Habang isa lamang ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Siya ay mula sa Barangay Flores (1). Sa kabuuan ay nasa 12,975 ang recovered patients ng Malabon.
Samantala, wala namang naitalang namatay dahil sa pandemya sa Navotas City ngunit muli na namang dumami ang mga nagpositibo (8), isa ang gumaling habang umakyat sa 97 ang active cases sa lungsod.
Sumampa na sa 11,078 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 10,610 na ang nakarekober habang nanatiling 371 ang pandemic fatalities ng siyudad.
Habang isinusulat ito ay hindi pa naglalabas ng COVID cases update ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)
138
