4 DURUGISTA ISINELDA

SWAK sa karsel ang apat na umano’y mga durugista makaraang dambahin sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na sina Albert Torres, 41; Enrique Aquino, 46; Edmond Victoriano, 29, at John Michael Vincent Pitogo, 31-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 noong Biyernes ng madaling araw nang matiklo ang apat sa Blk. 3, Bldg. 8, Unit 211 Disiplina Village, Brgy. Bignay nang benthan nina Torres at Aquino ng P1,500 halaga ng shabu ang isang undercover cop, habang nabulagang bumabatak naman sina Victoriano at Pitogo.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na gramo ng shabu na may standard drug price na P40,800, buy-bust money, P200 salapi, dalawang cellphone, at drug paraphernalia. (ALAIN AJERO)

168

Related posts

Leave a Comment