4 NPA OFFICIALS, 3 PA SUMUKO

NORTH COTABATO – Apat na matataas na lider ng communist terrorist group New People’s Army (NPA) at tatlong mga miyembro nito ang sumuko sa 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa bayan ng Makilala sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Loloy at alyas Joy ng Kilusang Rebolusyonaryo sa Munisipalidad o KRM-AKMA, mga dating chairman; alyas Arom, dating kumander; alyas Argus, squad leader; alyas Bruno, isang miyebro, at dalawang mga menor de edad na sina alyas Bata,15-anyos, at alyas Blue, 16- anyos, nasa ilalim ng Guerilla Front Alip Far South Mindanao Region.

Ang nabanggit na grupo ay nag-o-operate sa mga bayan ng Matanao at Magsaysay sa Davao del Sur at Makilala sa North Cotabato.

Bitbit ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang high-powered firearms, pampasabog, mga bala at iba pang kagamitang pandigma.

Ayon sa mga sumuko, pagod na sila sa pagtatago, hindi na matiis ang nararanasang gutom at uhaw at kulang sa tulog dahil sa pag-iwas sa combat operations ng militar at iba pang pwersa ng gobyerno.

Aminado rub ang mga ito na kulang na ang pondo ng kilusan at wala nang nakokolektang revolutionary tax.

Samantala, nanawagan si alyas Loloy, mahigit dalawang dekadang naging bahagi ng kilusan, sa mga miyembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan. (BONG PAULO/DONDON DINOY)

136

Related posts

Leave a Comment