4 pang kaso mino-monitor ILOILO CITY NAGTALA NG 1 KASO NG MPOX

NAITALA ng pamahalaang lungsod ng Iloilo ang unang kumpirmadong kaso ng Monkey Pox, habang apat pa na hinihinalang kaso rin ang kasalukuyang isinasailalim sa obserbasyon.

Ayon kay Joy Fantilaga-Gorzal, tagapagsalita ni Mayor Jerry Treñas, lahat ng limang pasyente ay nakatanggap ng nararapat na gamutan.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang contact tracing upang matukoy ang mga naging malalapit na kontak ng mga pasyente

Sa Facebook post, ipinahayag ni Gorzal, na bagama’t wala pang ebidensya ng malawakang community transmission, patuloy ang mga hakbang sa public health para sa kaligtasan ng mga Ilonggo.

Tiniyak din ng lungsod na handang-handa ang kanilang city health office, katuwang ang national health agencies at research institute for tropical medicine para sa testing at monitoring.

Umapela rin si Mayor Treñas sa publiko na manatiling kalmado, sumunod sa mga health advisory at makiisa sa mga inisyatibang ipinatutupad.

Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), may dalawang uri ng Mpox, ito ay nahahati sa Clade 1, na mas malubha at nakamamatay, at Clade II na mas mild, at sanhi ng global outbreak noong 2022.

(JULIET PACOT)

89

Related posts

Leave a Comment