4 SENATORIABLES NOONG MAY 2025 POLLS TUMANGGAP NG DONASYON SA CONTRACTORS

HINDI bababa sa pitong kandidato noong May elections ang tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, apat sa kanila ay tumakbo sa pagka-senador habang ang dalawa ay mula sa hanay ng party-list.

Base aniya ito sa nakuha nilang datos mula sa 21 contractors na kanilang nakitang tumulong sa kandidatura ng mga tumakbo noong midterm elections at sa mga isinumiteng SOCE o statement of contributions and expenditures ng mga tumakbo noong halalan

Sa ngayon ay hinihintay pa ng Comelec ang sertipikasyon ng DPWH para matiyak kung may kontrata sa gobyerno ang natukoy na 21 contractors.

Hindi na binanggit ni Garcia ang pangalan ng pitong kandidato na tumanggap ng donasyon dahil nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat hinggil dito.

(JOCELYN DOMENDEN)

20

Related posts

Leave a Comment