HIND magpapahuli ang PBA o Philippine Basketball Association sa gitna ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya.
Katunayan, sa ika-45 taon ng liga ay gagamit ito ng mga high-tech na kagamitan sa kanilang “real-time” review o replay center facility.
Ang “real-time” review o replay center facility sa New Jersey ay unang ginamit ng NBA o National Basketball Association.
Layon nito na rebyuhin ang mga inirereklamong mga sitwasyon sa laro gaya sa ball possession, out of bounds, at pati na rin sa mga kwestyonableng tawag ng referees.
At tulad sa NBA, ipatutupad na rin ang teknolohiyang ito sa 45th season ng PBA simula sa Marso 8, kung kailan magsisimula ang 2020 All-Fiilpino Conference. (ANN ENCARNACION)
325 