5 DAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS, MALABON

TATLONG COVID patients ang binawian sa Navotas City, habang dalawa naman ang namatay sa pandemya sa Malabon City, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Hanggang 11:59 pm noong Agosto 10, umakyat na sa 398 ang COVID death toll sa Navotas, habang 975 ang active cases, makaraang 43 ang naitalang bagong kaso at 43 ang gumaling.

Pumalo na sa 12,408 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 11,035 na ang gumaling.

Pumanhik naman sa 493 ang pandemic fatalities ng Malabon noong Agosto 11 at 117 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 15,047 na ang positive cases sa Malabon, 756 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (9), Baritan (18), Bayan-bayanan (1), Catmon (15), Concepcion (9), Flores (1), Hulong Duhat (4), Ibaba (2), Longos (16), Maysilo (4), Muzon (1), Niugan (4), Panghulo (10), Potrero (6), San Agustin (3), Tinajeros (6), Tonsuya (1), at Tugatog (7).

Sa kabilang banda, 67 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (17), Bayan-bayanan (1), Hulong Duhat (13), Longos (7), Maysilo (1), Muzon (3), Niugan (3), Panghulo (6), at Tañong (16). Sa kabuuan ay 13,798 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

137

Related posts

Leave a Comment