5-MAN PH TEAM SASABAK SA SEA TRIATHLON CUP

SASABAK sina Nikko Huelgas at Maria Claire Adorna, kasama ang tatlong iba pa sa A-S-T-C Triathlon Asian Cup at sa 1st Southeast Asian Championships simula sa Biyernes sa Rayong, Thailand.

Pipilitin nina Huelgas at Adorna na muling makapagpamalas ng husay sa Southeast Asia matapos dominahin ang 2015 SEA Games nang mag-gold medal finish sa men’s at women’s elite.

Makakasama ng dalawa sina 2019 SEA Games mixed team event gold winner Fer Casares , Juan Carlos Abad at Edward Macalalad.

Inaasahang mapapalaban nang todo ang Pinoy triathletes sa Asian Cup event laban sa mga pambato mula sa Japan, China, Australia, Chinese Taipei, Kazakhstan at Uzbekistan.

Kasama ng 5-man team sina coah Kevin EijanSantos at George Vilog.

Ito ang unang SEA Triathlon Championships na gagawin sa Sprint Distance kung hindi SEA Games year at sa standard naman kung SEAG year.

At gaya ng ITU races, ang SEA triathlon ay naglalayon na mabigyan ng importansiya ang maikli ngunit mabilis na tournament. (VT ROMANO)

208

Related posts

Leave a Comment