LIMA ang namatay na COVID-19 patients sa Valenzuela City sa loob ng isang araw, nabatid mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit.
Mula sa bilang na 232 dakong alas-8:00 ng gabi noong Oktubre 22, umakyat na sa 237 ang pandemic death toll sa lungsod sa parehong oras kinabukasan.
Umakyat din ang confirmed cases mula 7,631 patungong 7,653 at ang bilang ng mga gumaling mula 7,230 ay umakyat na sa 7,245.
Nadagdagan din ng dalawa at naging 171 ang dating 169 active COVID cases sa siyudad.
Samantala, isang pasyente ang binawian ng buhay sa Barangay Tugatog, ayon sa Malabon City City Health Department noong Oktubre 23 kaya’t 207 na ang COVID death toll sa lungsod.
Kaugnay nito, 16 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,422 na ang tinamaan ng COVID, 192 dito ang active cases.
Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Baritan (1), Concepcion (2), Dampalit (1), Flores (1), Hulong Duhat (1), Longos (1), Potrero (2), Tinajeros (1), Tonsuya (4), at Tugatog (2).
Sa kabilang dako, 13 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa lungsod. Ang mga ito ay mula sa Barangays Acacia (1), Concepcion (2), Longos (1), Potrero (2), Tinajeros (1), Tonsuya (5) at isa mula sa labas ng Lungsod.
Sa kabuuan ay 5,023 na ang gumaling sa COVID sa Malabon. (ALAIN AJERO)
181 