5 NALAMBAT SA METRO BUY-BUST

LIMANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.

Sa Valenzuela City, arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang ginang, sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela police chief, Col. Fernando Ortega ang mga suspek na sina Maribel Gamayon, 45, at Roy Lachica, 45, kapwa ng Molina St., Brgy. Veinte Reales.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christopher Quiao, dakong alas-12:01 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa 148 Block 4, Molina St. na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiska ang pitong gramo ng umano’y shabu na tinatayang P47,000 ang street value.

Sa Pasig City, tinatayang P210,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Pasig City Police Station sa isang umano’y drug pusher sa inilatag na checkpoint sa Sandoval Avenue, Brgy. San Miguel.

Kinilala ang suspek na si Jayson Soriano y Calicdan, 45-anyos, driver, at residente sa #289 Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Pasig chief of police, P/Col. Moises Villaceran, naglatag sila

ng checkpoint sa Sandoval Avenue sa nabanggit na barangay nang dumaan ang suspek na lulan ng motorsiklo ngunit walang suot na helmet.

Nang sitahin, nakumpiska sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu.

Habang sa Taguig City, nadakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation nitong Miyerkoles ng madaling araw sa Block 5, Lot 23, Purok 1, Brgy. Central Bicutan.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek na sina Jaafazhani Kiram at Dennis Thieke ang apat na sachet na naglalaman ng 4 gramo ng shabu at may presyong P163,200.

Nadakip ang mga suspek ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa ikinasang buy-bust operation dakong alas-1:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles. (DAVE MEDINA/FRANCIS SORIANO/KNOTS ALFORTE)

165

Related posts

Leave a Comment